Caput 2

191 12 6
                                    

*The Origin of the Queens : Agent Black, Agent Violet, Agent White*

-----

"Isang gwapong lalake ang kasalukuyang nakaupo sa kanyang opisina, sa kanyang lamesa ay may nakalapag na pitong folder; folder ng pitong magkakaibang personalidad, pitong talentadong dilag, pitong magagadang kampon ni Eba."

Sinamaan ng tingin ng lalaki ang taong nag-nanarrate. Ito ang kanyang loyal right hand, "ASO, pwede bang manahimik ka diyan? Para kang tanga."

Nag-pout naman ang lalaking tinawag na ASO sa kadahilanang ang pangalan niya ay Aldred Salcedo Ocampo a.k.a ASO. Ang bantot ng initial ng pangalan niya kaya tinapunan niya rin ng masamang tingin ang lalaking tumawag sa kanya ng ASO, si Kaiser Earl Napoleone a.k.a KEN, ang successor na lider ng LISA, "Ano? Nakapag-decide ka na ba KEN?" hindi umimik ng ilang minuto si Ken kaya nagsalitang muli si Aldred, "Lahat sila pasok sa qualifications, plus magaganda sila, matatalino—"

"Plus mga pasaway." dugtong ng lider na si KEN.

"Which could add a little spice in this agency." pagdepensa naman ni Aldred.

Umiling na lamang si KEN, "Whatever you say Aldred. Ok, simulan mo na." nagmistulang touch screen ang paligid ng kanyang opisina nang ilahad ni Aldred ang biodata, background at footage ng kanilang interview sa mga babaeng candidate sa pagiging Agent ng LISA.

"Okay magsimula tayo kay Andrea Gomez." sambit ni Aldred sabay zoom ng iilan sa references na nakuha nila, habang sinasaad niya ang background ng dilag, "Siya si Andrea Gomez, may isang kapatid, nasa mayamang pamilya, ang hobby niya, kadalasan, pagbabasa ng libro at ehem, pagkain—"

Biglang napataas ang kilay ni Ken at saka naman nagsimula ang interview footage ng babaeng nagngangalang Andrea Gomez. 

"Tell me something about yourself Miss Gomez." sabi ng interviewer. 

"Uhm . . . simple lang po akong babaeng nalaglag mula sa langit, destined to be wife ng isang lalaking nakikita ko sa aking panaginip gabi-gabi."

"Uh? Okay, that's new, continue . . . "

"Siya lang naman si Oasis Patriar—OMG! Hindi ba ang hot niya?!"

"Ah, member pala siya ng PS." biglang sumeryoso ang interviewer at saka siya tinanong muli, "Kapag nagkaroon ng pagkakataong nakalaban mo sa field ang lalaking ito, anong gagawin mo?"

"Uh . . . "

"Gagawin mo ba ang misyon mo or susundin mo ang puso mo?"

Vindicte GratiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon