Caput 5

83 7 9
                                    

*Agent White and Her Fancy CDs*

-----

Nakatayo sa harapan ni KEN ang babaeng naka-white Converse high-cut shoes at naka tattered shorts. Pinarisan ito ng black t-shirt na may nakasulat na linyang "Ilagay ang PORK sa BARREL" at may itsura ng kasalukuyang politician. Taliwas sa nerdy look nito kapag wala sa opisina o misyon ay sobrang napakaganda nito. Bagay na bagay sa puting contact lense niya ang nakaka-akit niyang ngiti. Ito raw ang asset niya.

Pigil naman ang tawa ng lider nang mabasa ang nakasulat. Gwapung-gwapo ito sa soot nitong light pink long sleeves at black pants. Naka dekwatro at relaks itong nakasandal sa kanyang swivel chair. "Seriously?" tanong nito na nagpapatungkol sa mga kataga sa t-shirt ni Belle.

"Dead serious!" Seryosong sagot niya.

Kumawala na ang malutong na tawa sa mga mapupulang labi ni KEN.

'Gosh! Julz mamatay ka sa inggit kapag nalaman mo 'to.' Mga salitang nasabi ni Belle sa isip dahil alam ng lahat na may HDHD si Agent Violet sa kanilang boss. HDHD short for HIGH DIFINITION HIDDEN DESIRE.

"Anyway, here is your mission." Iniabot ni Ken ang itim na folder kay Agent white at sumandal ulit sa upuan.

Binuksan agad ito ni Agent White, "Psh! Ito lang nangangailangan pa sila ng agent? Anong ginagawa ni Ronnie Rickets?" Reklamo nito pagkatapos basahin ang nakasulat sa loob ng folder.

Nagkibit-balikat lang si KEN.

Pabagsak na umupo si Agent white sa upuang nasa harapan. "Hulaan ko, denicline 'to ng P.S, right?" iritang tanong niya kay KEN.

"Hmm." Pagkokompirma nito.

"Ugh!" Naiinis siya na parang tapunan ng mga loser missions ang LISA. Pangalawang choice sila lagi kapag may gustong ipatrabaho ang malalaking kompanya, negosyante o politika. Siyempre first choice ang PHILOSOPHER'S STONES.

"To answer your question. Ronnie Rickets is there to back you up. They needed an agent just in case magkagulo, e alam mo ang mga safety procedures so they don't have to worry about you." Pagpapaliwanag ni Ken. "And besides, regular customer ka naman do'n diba?" patuksong tanong nito kay Agent White.

Nanlaki ang mata ng babae nang marinig ang sinabi ng kanyang leader. Ang mission kasi ay tungkol sa mga pirated CD's. Magpapanggap siyang bumibili ng DVDs -100 cd's to be exact at kakausapin niya ang may-ari mismo para humingi ng diskwento.

"H-hindi ah. Minsan lang." Pag de-deny niya at pasimpleng nagtago sa likod ng folder na hawak niya.

"Then it's settled. It has been scheduled. Back-ups have been positioned. All you need to do is get there and indulge yourself." Matamis itong ngumiti kay Agent White.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 02, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Vindicte GratiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon