chapter 31

220 8 2
                                    

******************************

AFTER 12 YEARS*

[PARIS’S POV]

“Where are you na ba? Kanina pa umiiyak si Bayley dito sa bahay ko at hinahanap ka na”

“Don’t worry, I’m already on my way now. Just tell her that I’m already coming, bye for now Paris”

Pabalibag kong pinatay yung cellphone ko at saka ko dinaluhan ang kanina pang nagmamaktol na pamangkin ko na si Bayley. Ano ba naman kasing klaseng bata ito at sobrang arte at maldita. Kung anong ikinatahimik ni Blue nuong bata pa siya ay siya namang kabaliktaran ni Bayley.

Pero kahit ganun ay mahal na mahal ko pa rin ang batang ito dahil halos ako na ang nag alaga kay Bayley since birth. Five years old na siya ngayon at patuloy pa din siyang naghahanap ng nanay.

Anak ni Blue si Bayley sa pagkabinata sa isa sa mga babaeng nabuntis daw niya diumano sa ibang bansa. Pagkapanganak pa lang nung babae ay ibinigay na niya kaagad ang lahat ng responsibilidad at karapatan kay Blue para sa anak nila, humingi lang ng pera yung babae kapalit daw ng pagdadalang tao niya kay Bayley. After nun nawala na siya! Napaka walang kwentang ina.

Nakakaawa talaga itong pamangkin ko, wala na ngang Mommy wala pang time sa kanya yung Daddy niya.

“Auntie, I want my Daddy! Auntie‼”

Naabutan kong sinisipa ni Bayley yung mga unan sa kama niya at ng hindi makuntento ay ibinato pa iyon sa tv. Nilapitan ko na ito at saka inagaw sa kanya yung mga unan.

“Baby, parating na si Daddy. Come on maligo na tayo para mabango ka mamaya pag dating niya”

“No! I want him, I want him as in now!”

Bakit ba napaka maldita nito?

“Later na lang baby, please?”

Nag pout siya at saka patakbong pumasok sa cr, hinabol ko siya at saka na pinilit na maligo. Kahit sa pagligo ay naka busangot pa din ito. Mukang hindi pa rin nawawala yung inis niya dahil sa hindi pagsipot ni Blue sa school play nila kanina. May ballet presentation kasi sila sa school at tanging ako lang ang nakasaksi kung gaano kagaling si Bayley sa pag indak at pag sayaw.

“Auntie..”

TAKING MR.BLUE OUT OF HIS BLUE WORLD...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon