chapter 7

257 5 0
                                    

CHAPTER SEVEN

XXXXXXXXXX MARY LOU’S POV XXXXXXXXXX

“Nasaan na kaya yung lalaking nakita ko sa likod ng gym last time?”

Para na akong hilong-talilong ka katingin sa bawat lalaking nakakasalubong ko sa daan. Bwisit lang kasi kahit anino niya ay hindi ko pa natatanaw, tapos yung buwisit na Myco na yun inaasar pa ako dahil sa invicible boyfie ko daw!!

Pumunta ako sa tabi ng cafeteria nila sa pagbabakasakali na nanduon yung lalaking hinahanap ko. Pero wala pa rin talaga. Haaaayzt… nakita ko na ata ang lahat ng lalaki sa school na ito bukod sa kaniya.

Patuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa may sign akong nakita na may nakasulat na “DORMITORY”. Hmmm…

Pasilip-silip lang ako sa pinaka entrada ng building na iyon hanggang sa may lalaki akong nakita na nakikipag tawanan sa mga lalaki ding estudyante na katapat niya sa may unang baitang ng hagdan na tila pamaypay sa laki at lapad, ang sossy. Pero nakakapagtaka yung lalaking una kong nakita dahil stand out sa lahat ang kagwapuhan niya.

Napangisi na lang ako bigla ng maisip na kung hindi ko mahahanap yung lalaki na nakita ko sa likod ng gym ay malamang na siya na lang ang next target ko. Bata pa naman ako eh, kaya may karapatan pa akong hindi mag seryoso sa isang relasyon at syempre gusto ko ring pagselosin si Myco my love at ng marealize na din niyang mahal niya ako!!!

Bongga di ba?!!

Ng makita kong nag sialisan na yung mga lalaking kausap ni pogi ay isang bright idea ang bigla na lang pumasok sa utak ko. I’m so genius talaga! Hehehehhe…

Nagsimula ng maglakad si pogi papunta sa gawi ko para siguro lumabas sa dormitory. At sakto na pagdaan niya sa tapat ko ay binangga ko yung balikat niya na tila nagkasalubong lang kami ng daan habang siya ay papalabas ako naman ay papasok.

Sinadya kong lakasan yung impact para mapaupo ako sa lapag.

PERFECT!!

“Ouch!”

“Ms, are you okay?”

Tila sa isang pelikula ay pa slowmotion ko din siyang tiningnan ng mata sa mata, at ng di pa ako makuntento ay kinagat ko pa yung labi ko na tila iniinda ang sakit na natamo mula sa pag landing ko sa lupa.

At si hudyo napatulala na lang sa akin.

TAKING MR.BLUE OUT OF HIS BLUE WORLD...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon