chapter 15

237 5 2
                                    

[LARXIE’S POV]

Bigla akong napangiti ng makita ko yung pinaka entrada ng gate ng hacienda Miranda. Sa wakas! Finally… tila hinipan ng hangin ang lahat ng pagud ko ng masilayan ang pinaka mamahal na kong lugar.

Isang taon din pala akong nawala dito, nakakatuwa….

“Manong Javier!” patakbo akong bumaba sa sinakyan kong tricycle para maghatid s aakin sa entrada ng gate  at saka ako tuwang-tuwa na lumapit sa matandang gwardiya ng hacienda.

Ng makita naman ako nito ay dagli ding nagliwanag ang mukha nito at saka ako pinagbuksan ng gate na tila higante sa laki.

“Larxie… abay! Tumangkad ka pa ata hija!”

“Di naman po masiyado” 

Binuhat ni manong Javier yung travelling bag ko at saka nag radio sa tatay ko malamang para sunduin ako dito sa gate. Medyo malayo-layo pa kasi ang lalakarin para makarating sa taniman at sa maliit na lugar kung saan tinatayuan ng bahay ng mga manggagawa sa naturang lugar.  Kailangan mo pang sumakay ng kabayo para mas mapabilis ang pagpunta sa gate.

Pero may owner si tatay kaya malamang na yun ang dalhin nun mamaya.

“Maupo ka muna dito sa quarter habang hinihintay mo si Tonyo”  agad naman akong tumalima at saka tila nahahapong isinandal ko sa sandalan ng sofa yung ulo ko. Mga kinse minute pa bago dumating si Tatay kaya magpapahinga muna ako.

“Kamusta ang pag-aaral mo sa Maynila, hija?”

“Ayos lang po manong” kiming sagot ko dito at saka ngumiti.

“Gusto mo ba ng maiinom? Pasensya nba at hindi kita naalok kaagad”

“Ay naku! Ayos lang po kahit wag na. busog pa naman po ako”

“Ganun ba?” ani nito at saka naupo sa katapat kong sofa.

“kayo po, kamusta na kayo dito?”

“Ayos lang naman, gaya pa din ng dati.. Masagana at Masaya. Lalo na ngayong inanunsiyo na ni Donya Miranda na dadayo na dito yung apo niya na si Sir Blue para tumulong sa pagpapatakbo ng hacienda”

Biglang kumabog yung dibdib ko ng marinig ko ang sinabi ng matanda. Ano daw iyon?! S-si Blue?! WTF…

TAKING MR.BLUE OUT OF HIS BLUE WORLD...Where stories live. Discover now