Chapter 24 -Save-

117 2 2
                                    

Chapter 24

 Queenie POV

  Dahil uwian namin, pumunta ako sa banyo para magbanyo, nadaanan ko ang Unggoy pero di ko siya pinansin, ano bang bago kung di ko siya pansinin at saka kaaway na kaaway ang turing sa akin nun, ang laking galit sa akin ng lalaking yun eh, akala mo naman kung sinong kaguwapuhan, sikat lang naman wala naman itsura, ay meron pala itsurang unggoy

 Umihi lang ako sandali sa banyo, naririnig ko ang mga boses ng ilang lalaki sa may labas, magkatabi lang naman ang banyo ng girls at boys pero parehas malaki ang cr.. ang lakas naman kasi ng boses nila 

 Lumabas na ako at merong apat na lalaki, namumukaan ko yung isa, teka siya yung nanliligaw sa akin simula kanina,teka anong ginagawa nila dito.. tambay ba sila kasi hindi naman sila pumasok sa banyo eh tapos parang wala naman silang hinihintay, kung may hihintayin sila sa banyo ehdi sana sa loob na lang sila naghintay.. iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanila, binilisan ko ang lakad ko

 "Teka lang.." banggit ng isang lalaki at hinawakan ako sa braso dahilan para mapahinto Ako, bumalik ako sa puwesto ko kanina

 "Aray, bitawan mo nga ako," Suway ko, hindi niya naman ginawa mas hinigpitan niya pa lalo.. ang gumagawa nito sa akin ay yung lalaking nangliligaw sa akin kanina samantalang yung dalawa nakaharang sa dapat kong daraanan.. kinakabahan ako, pilit kong inaalis ang kamay ko pero ayaw niya pa ring bitawan 

 "Aray ko, Bitawan niyo nga ako, mga walang kwenta mga walang modoooooo! mga Pervert!" sigaw ko dahil nasasaktan na ako nang husto, bigla naman niyang hinawakan ang dalawa kong kamay at inano sa pader, tsk! di talaga ako titigilan nito

 "Alam mo ba yung ginawa mo sa akin? alam mo ba na labis akong nasaktan sa pag iwan mo sa akin dun at sa pagmamatigas mo nang sagot na NO' hindi mo ba alam na pinahiya mo ako sa mga nakakita kanina at lalo na sa mga kaklase ko, ako ang issue nila kanina nang dahil sa ginawa mo tapos nagpatulong ka pa kay Analia, masakit sa akin ang ginawa mo dahil ngayon pa lang ako nanligaw sa isang babae," Ang drama, kaasar -.-

 "Okay, wag kang o.a. ah, alam mo bang mahirap din sumagot ng yes at alam mo bang bata pa ako para diyaan, kung sakaling puwede naman akong ligawan eh di sana hindi kita pinahiya doon at gusto mo ba kapag unang ligaw mo pa lang sagutin na kita samantalang hindi pa nga kita kilala, kaya bitawan mo na ko" at tumaray ako, kanina niya pa kaya ako hawak at nakaano ako sa pader

 "Bitiwan mo ako," saway ko, di pa rin siya nakikinig sa akin 

 "Hindi mo ba ako sasagutin or else hahalikan kita, hindi ka na makakawala ngayon kung hindi mo ko sasagutin," pananakot niya, natatakot ako baka kasi gawin niya talaga

 'Meggymegs, ayoko sanang manghingin ng tulong sa iyo sapagkat alam kong mababawasan ang petals ng bulaklak pero gusto ko na sanang manghingi ng tulong pero parang ayoko pa rin, ang gulo, ilayo niyo po ako sa lokong to? what can i do now?' 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 14, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I think im ugly and nobody wants to love me (Stock Up)Where stories live. Discover now