Chapter 20.3 -Changes-

86 2 2
                                    

Chapter 20.3

John Russel POV

  Pagkatapos kong Ihatid si Queenie sa kanilang bahay, umalis na ako at dumiretso na ako sa bahay nang ako lang at ang sasakyan ko, Tss! Napapalo na lang ako sa Manibela dahil sa inis, sino ba namang 'di maiinis sa nangyari kanina? yung pinagkaguluhan kami ng mga tao, buti nga di pa nakarating yun sa bahay nina Queenie kaya walang ganoong tao doon at wala ring nakapansin sa amin, mga Media kailan niyo ba ako este kami titigilan? Lahat na lang ng kilos ko, lahat na lang ng ginagawa ko lahat na lang!!!! 

   Ako kaya ang gugulo sa tahimik na buhay ni Queenie? Ibang iba kasi siya dati eh, yung unang kita ko sa kanya. ang hirap i explain! Balikan na lang natin

  *Flashback

 Nahihiyang siyang magsalita at Huminga pa siya ng malalim bago magsalita, ang Cute niya tuloy tignan sa mga oras na iyon

  "Hi Christian, Terrence, Kenneth, Jyke at John Russel, ikinagagalak ko kayong makilala!" Sabi niya na may halong hiya, natawa naman ako sa kanya, She's so Smart nga talaga ah, ang bilis niya kasing makabisado ang name namin eh diba 'di niya kami kilala, Ha-Ha-Ha!

  "Mas ikinagagalak kitang makilala!" Sabi ko, hindi iyon pilit ah but totoo iyon, naku-cutan kasi ako sa kanya eh, sa itsura niya para siyang nahihiya, ganyan yung mga tipo ng babaeng gusto ko pero may Ariel na ako at wala na akong balak na ligawan o maging girlfriend siya, Napatingin lahat sa akin na medyo ikinagulat ko naman

  "bakit may mali ba sa sinabi ko?" tanong ko na medyo natatawa-tawa, Nakakainis naman kasi yung tingin sa akin ng mga new Classmate ko, for sure naiinis sila or nagulat maybe naiingit, haha di naman sa nagmamayabang pero ako yata ang pinakapogi at pinaka sikat sa aming grupo

 "Walang Mali sa sinabi mo!" Malakas na sabi ni Queenie, Medyo natuwa ako doon sa ginawa niyang iyon dahil pinagtanggol niya pa yung sinabi ko tas tinakpan niya pa ang bibig niya, She's so Cute talaga, Nagulat at napatingin din naman sa kanya ang ilan naming classmates, i dont know why but natatawa ako

  Nagulat ako nang biglang tumayo si Kenneth at lumapit kay Queenie, nagulat ako kaya napahinto ako sa mahinang pagtawa ko, Dapat ako iyon kasi ako ang kinausap niya pero okay lang, Basta magiging kaibigan ko lang siya, natatawa na talaga ako sa kanya eh, sa itsura't pinag-gaga-gawa niya

  "bakit po? ano pong kailangan niyo?" Tanong ni Queeni kay Kenneth at napapaatras pa siya, Ang cute niya talaga, nakakatawa panoorin tapos yung itsura niya pa

  "Ikinagagalak kitang makilala!" Bati rito ni Kenneth at saka kinuha ang kamay ni Queenie at nakipag shakehands, kinisan niya pa ito sa noo, di naman siya chickboy at Gentleman pa nga iyang si Kenneth, natutuwa nanaman ako dahil natulala't namula si Queenie

 *End of Flashback

   Napangiti na lang ako bigla nang inisip ko iyon, simula ng maging close ko siya nagbago siya, it means im a good influence to her. simula ngayon lagi na siyang pumapasok sa isipan ko, she's My bestfriend eh at kung mas hihigit pa dun, humigit na nga eh, "Best BestFriend!" Yan yung ibig kong sabihin, mabait naman ako diba? yung ipinapakita ko naman sa kanya pag respeto at ang maayos na lalaki. bakit ko ba to iniisip? Wala lang.

I think im ugly and nobody wants to love me (Stock Up)Where stories live. Discover now