Chapter 2 -Recess-

406 13 5
                                    

Chapter 2

Hindi pa rin umaalis si Queenie dahil hindi pa rin nawawala ang Sakit ng ulo niya pero Biglang dumating si Daniela

   "Queenie, Bakit 'di ka pa kumakain? Halika na't sasamahan na kitang Bumili!" Sabi ni Daniela at hindi na Nakapagreklamo pa si Queenie dahil Inaalalayan naman siya nito...

  Ang Awesome university na pinapasukan niya ay hindi Simple ngunit Bongga... Maraming sikat na nag aaral sa Unibersidad na ito.... 

     "Ano sa iyo Queenie?" Tanong ni Daniela kay Queenie nang makarating na sila sa Cafetiria, at ang Cafetiria nila ay Parang Restaurant, Mayaman ang School

     "Ikaw na mamili, mumurahin lang ah!" Sagot nito sa kaibigan? Kaibigan na nga bang talaga? Si Queenie talaga ay Matipid, Kahit saan kahit kailan at kahit ano, Matipid siya

    "ate Pa order nga po ng Chicken with Extra Rice!" sabi ni Daniela sa may Nagtatrabaho sa Cafetiria

    "Daniela, Siguradong Mura lang dapat iyan ah!" Paalala ni Queenie

    "Hindi na! Libre ko na lang 'to para sa iyo!" Sabi ni Daniela at hindi naman ito pilit

     "Ayokong nililibre ako, Hindi ako maganda!" Reklamo ni Queenie at nagulat nanaman siya sa sinabi niya dahil sa isip niya lang iyan sinasabi

     "Bakit? Maganda ka kaya, at kung para sa iyo hindi, Kaibigan na kita at hindi lang naman Maganda ang nililibre eh, ano bang pumapasok sa mga isipan mo?" Tanong ni Daniela at umiling na lamang si Queenie

   Bigla na lang napakamot sa Ulo si Queenie dahil sa mga nasasabi, Ang dating tahimik ngayon madaldal na.... bigla nang naupo si Daniela sa Harap ni Queenie

    "Queenie!" Tawag ni Daniela

   "Bakit?" Tanong naman ni Queenie

    "ah, Wala wala!" Sagot ni Daniela

       Tinitigan ni Daniela si Queenie para tignan ang mga Kinikilos nito kung may nagbago, 

   'ba't ganon? ang dating Queenie na tahimik ay naging Palaban na? Bakit ang dating Queenie na mas tahimik pa sa Brownout ay ngayon ay Marunong nang magingay? Anyare?' Tanong sa isipan ni Daniela

I think im ugly and nobody wants to love me (Stock Up)Where stories live. Discover now