Chapter 5

266 9 0
                                    

XERXES' POV

It's been 5 days since I visited Yaya in the Hospital. I was caught up with our company's expansion kaya limang araw akong nawala sa bansa. I personally attended the construction of a new company branch in Italy. I was dead tired but I want to see Aya kaya dumiretso ako sa hospital. I heard that Yaya's doing fine. Isang araw pagkatapos ng operasyon nito, lumipad naman ako patungong Italy.

I found Aya awkwardly sleeping in the sofa bed near Yaya's. Nagmano muna ako kay Yaya at kinumusta ang kalagayan nito bago ko pinagtuunan ng pansin ang natutulog na dalaga. I carried her then carefully placed her in a comfortable position. Kinausap kong muli si Yaya hanggang sa makatulog ito. Napaupo ako sa sofa kung saan nakahiga si Aya. Sa pagod, hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

I woke up and found myself lying in the sofa bed. Hinanap ko agad si Aya. Nakita ko itong lumabas ng banyo na kakabihis lang. Nagulat pa ito nang makitang gising na ako.

"Morning." She returned my greetings with a nod. "We have a hectic schedule today. We need to get the wedding invitation and give-aways. We have to go to the cake and wine tasting. We also need to check the church, my gown and your suit. Your mom called me last night telling me to check the progress of the preparation. She gave me the contact number of our wedding coordinator."

"Amen." She was trying to hide that smile but failed miserably. Tumayo ako at kumuha ng masusuot sa bagaheng dala ko pa mula Italy. Nakita kong napanganga si Aya. Hindi niya siguro ito napansin kanina.

"Don't tell me hindi ka pa umuuwi sa bahay mo?" hindi makapaniwalang tanong nito.

"I won't tell you." nakangising saad ko. Agad niya akong pinalo sa braso. Ang bigat talaga ng kamay nito . Hindi pa man, battered husband na ako.

"You're insane. Ano ba kasing pumasok sa kukute mo at naisipan mong dumiretso dito?" inis na ani nito. hinawakan ko muna ang dalawang kamay niya at inipit ang paa para hindi niya ako matamaan sa susunod na sasabihin ko.

"Ikaw lang naman ang pumapasok sa isip ko." I wink. "Crazy." Komento nito. "For you." I added before I stole a smack on her soft lips. Nagmamadali akong pumasok ng banyo bago pa man ako tamaan ng bakal na kamay nito.

AYA'S POV

"Nakita ko yun!" napalingon ako sa nagsalita. It's Yaya with her Cheshire cat grin. Pilya pa itong kumindat kaya napailing na lang ako. Masaya akong mabilis ang naging recovery nito.

"Good morning Yaya." Hindi pa rin nawawala ang ngisi nito. "Ang ganda talaga ng umaga mo ineng."

"Yaya naman eh." I said pouting my lips. Tumawa lang ito. "You need to recover fast Yaya para madischarge ka na. Ihahatid mo pa ako sa altar, kayo ni kuya."

"Akala ko ba ayaw mong magpakasal sa binatang yun? Bakit parang excited yata ang alaga ko?" nang-aasar na tanong ni Yaya. Hindi na lang ako sumagot. Hindi ko pa rin maamin sa sarili ko na kahit papaano, I was looking forward to this marriage and maybe, we can try to work it out. Hindi mahirap ibigin ang isang Xerxes Villafuerte. I sighed. Kapag nalaman ko talagang nagsisinungaling lang siya ng sabihin niyang mahal niya ako, ililibing ko siya ng buhay.

"I'm ready. Let's go?" nag-aalangang ani nito. Nagpaalam kami kay Yaya bago sabay na lumabas.

"I'll drive." Sabi ko "No, I will." Kontra nito. "I will be the one to drive and you can't do anything about it." Matigas na saad ko. Aalma pa sana ito nang itiinaas ko ang kamay ko. Walang nagawang sumakay na lang ito sa sasakyan ko.

Halos malibot na namin ang buong Manila sa dami ng pinuntahan namin. Parang binugbog ang katawan ko nang makabalik kami sa hospital. Sinabi ni kuya na siya na lang daw muna ang magbabantay kay Yaya. If I know, gusto lang nitong makasama si ate Sci. Kinuha lang namin ang mga maleta bago umuwi. Akala ko ihahatid lang ako ni Xerxes sa bahay pero hinintay niya akong ideposito ang maleta bago sinabing sa bahay niya ako matutulog. Isang napakalakas na NO ang sagot ko but he's so persistent kaya napapayag niya ako but not after he promised me there will be no hanky panky.

Pagdating na pagdating sa bahay nito, agad akong dumiretso sa kwarto at humiga. I'm so tired to think that we will be sharing one bed.

XERXES' POV

Nakita kong tulog na tulog si Aya. I can see how tired she is because of the wedding preparation. Hanggang ngayon, inuusig pa rin ako ng konsensya ko dahil hindi ko sinabi ang totoong nangyari. I was torn between reaching my dream and telling the truth. I vowed to myself that I will give Aya everything I have kapalit ng kalayaang nanakawin ko sa kanya sa araw ng kasal namin.

I slept beside her but not without a space between us. Kaya ganun na lang ang gulat ko nang magising akong may nakapatong sa akin. Hindi ko magawang kumawala kaya kahit na nangangalay na ang buong katawan ko, hinayaan ko na lang. I smile when I notice how innocent she looks. That moment, I added another vow not to hurt at least not intentionally, this angel above me. Nakatulog akong muli with a smile on my lips.

AYA'S POV

Napabalikwas ako ng bangon nang makitang nakatulog ako na nakapatong kay Xerxes. Naramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi ko. Nakakahiya. Agad akong lumabas at pumunta sa kusina para makialam. Parang nung isang linggo lang ang kalat-kalat ng bahay niya pero ngayon, ang linis. His fridge is also full kaya kahit ano pwedeng lutuin. Naisipan kong gumawa ng sandwich and vegetable salad. I fried some eggs and ham. I was about to call Xerxes when he suddenly showed up looking like a lost boy. Hindi pa ata ito nakapaghilamos. Napahigit ako ng hininga nang bigla lang itong lumapit at walang sabi-sabing yumakap sa akin. My heart was beating wildly and I stood there rooted. Matapos ang ilang sandali, iniharap niya ako sa kanya. He gave me his brightest smile then kissed me fully on the lips. He tasted mint and I'm losing my grip. He gently bit my lower lip before letting me go.

"Now, that's what good morning is." He said and gave me a chased kiss. He was about to give me some more pero iniharang ko na ang palad ko kaya sa palad napunta ang halik nito. Napaigtad ako ng dilaan nito ang palad ko.

"Stop kissing me Mr. Villafuerte. Nakakarami ka na." Nakasimangot na saad ko, hoping he won't see me blush.

"You look lovely when you blush love." Mas uminit ang pisngi ko. "Tse! Kumakain ka na nga lang, gutom lang yan." He dragged his chair and sat beside me. Hindi ko siya pinansin pero sinimulan niyang kilitiin ako kaya kinurot ko siya. Nauwi sa harutan ang dapat sana ay agahan. Natapos kaming kumain bandang alas nuebe na. Siya ang nagpresentang maghugas habang nilinisan ko ang mga naging kalat namin kanina. I realized that we're becoming more like normal couples. We hug, we kiss and now, we play house. Napahawak ako sa bandang dibdib ko kasi ang bilis ng pintig ng puso ko. I felt his hand holding my shoulder. And concern is visible in his eyes. Napaatras ako bigla.

"I need to visit Yaya Pilar. Yeah! She needs methere." At mabilis ko siyang iniwan sa kusina.    

Her AnticsWhere stories live. Discover now