Chapter 4

290 10 1
                                    


AYA'S POV

I decided to give Xerxes a chance. Nagising na lang ako kanina na yun ang iniisip. Nasabi ko na kay Yaya kahapon ang mga pinagdaanan ko nitong mga nakalipas na araw. At parang gumaan ang problema ko. Pinayuhan ako ni Yaya na subukan ko daw kilalanin si Xerxes kaya ito, naisipan kong puntahan ang ugok sa bahay nito. Para akong masusuka nang tumambad sa akin ang magulong kwarto. Umaalingasaw pa ang amoy ng alak. Sa lahat ng ayaw ko ay ang magulo at mabahong paligid kaya kahit na nakasuot ako ng office uniform, niligpit ko ang kalat. Naramdaman ko ang pagbukas ng pinto ng banyo kaya sinimulan ko ang sermon pero natigil ako nang makitang nakahubad itong lumabas ng banyo, sa inis ko sumigaw ako at inirapan ito bago lumabas.

I can feel how uncomfortable he is while driving our way to the company. Pinipigilan kong matawa nang makita ang panginginig ng tuhod nito kaya nagmamadali akong tumalikod pagkatapos kong magbilin na sunduin ako para sabay kaming maglunch.

In contrast to what I've been expecting, naging magaan naman ang pakiramdam ko habang tinatapos ang trabaho sa opisina. Gusto ko kasing maghalf-day. Wala namang masyadong problema sa opisina. Kailangan ko ring bantayan si Yaya sa ospital mamaya. Inihatid na ni kuya si Yaya Pilar kasi sa makalawa ay operasyon na nito.

Napatigil ako sa ginagawa ko nang may kumatok sa pinto. "Pasok." Wala sa loob na saad ko. Bumukas ang pinto at iniluwa ang isang Xerxes na parang matatae.

"May restroom sa kaliwa. Baka kako kailangan mo ng ilabas yan." Seryosong komento ko. Nakita kong napatayo ito ng tuwid. "Kulang na lang saluduhan mo ako at tawaging chief." Straight face na sabi ko. napayuko ito at narinig ko ang malalim na paghinga nito. I was biting my tongue to keep myself from being rude. Para kasing nabaliktad ang sitwasyon namin ngayon. Ako na ngayon ang parating may comment. Siya na naman ang nagtitimpi. Buhay nga naman.

"Let's go." Kaming dalawa lang ang nasa elevator ngayon. Walang nagsasalita. Wala rin naman akong kailangan pang sabihin kaya nakikipagcontest na lang ako ng panisan ng laway dito sa kasama ko. As usual, ginawa ko siyang driver. Dinala niya ako sa isang bagong bukas na seafood restaurant. Hmnn, mukhang nagresearch ang ugok ahh. Hanggang sa matapos naming ubusin ang sangkatutak kong inorder, wala pa ring nagsasalita sa amin. Libre nito ang kinain namin. Hindi talaga ako nag effort na kumuha ng pambayad. Sarap kaya ng libre lalo na kapag sinasadya mong magwaldas. Pera naman nito ang mauubos hindi ang sakin kaya okay lang tsaka wala naman kaming sinayang kaya walang problema. Tatayo na sana ako nang may huminto sa table namin. Nagulat ako nang makilala ito.

"Oh, look who's here! Aya, long time no see!!!" Abby del Fierro screamed like we're miles apart.

"Abby! How are you?" tanong ko dito. She's Jack's cousin. Classmate ko sa college.

"Still awesome. Oh, you're Xerxes Villafuerte, right? Baling nito kay Xerxes. Tumango naman ang huli. "Sinagot mo na rin siya sa wakas Aya?! Diba binasted mo siya nung college pa tayo?" walang pasakalyeng tanong ni Abby. Sa lakas ng boses nito, halos lahat ng kumakain ay napapatingin sa gawi namin.

"Uhm, yeah. Nga pala, I'll send you a wedding invitation. I hope you'll grace us with your presence." Saad ko dito. Di ko alam kung bakit lumabas iyon sa bibig ko at hindi ko na mababawi iyon. Nakita ko ang paglaki ng mga mata nito.

"You're getting married?! Congratulations! I'm so happy for the both of you. Teka, alam naba ito ni Jack?"

"Nag PM na ako sa kanya. Hindi niya kasi sinasagot ang tawag ko." sagot ko. Napabaling naman kay Xerxes ang tingin ko nang makitang kumunot ang noo nito.

"Well, see you at your wedding guys!" Abby wink then she left us.

"Jack is my high school buddy. Siya yung kasama ko noon sa bar." Paliwanag ko agad.

"Hindi naman kita tinatanong ahh." Pambabara nito. Inirapan ko siya. "Baka kasi may isa na naman diyan ang maisipang kaladkarin ako sa hindi malamang dahilan at mag-ala private investigator". Pasaring ko. At dahil naiiinis ako, sinipa ko siya sa ilalim ng mesa.

"Aw! Ang bigat talaga ng kamay tsaka paa mo." sabi nito habang hinihimas ang nasaktang paa. "I'm sorry about that incident. Hindi ko na uulitin yun." Seryoso ang mukha na dagdag nito.

"How about the night you took advantage of me, hindi ka magsosorry dun?" tanong ko na ikinabigla nito.

"I ahh- I'm not sorry about what happened. Nang dahil dun, I am going to share my life with the woman I've been dreaming of for so long. And that woman is you Aya." madamdaming ani nito. Hindi ko magawang tumingin dito. There is something in his eyes that draw me towards him. Natatakot akong malaman na totoo ang mga sinasabi nito. Ngayon pa nga lang ay naapektuhan na ako.

"Ihatid mo na ako sa bahay." Nagulat ito at nagtatanong ang mga matang tinitigan niya ako.

"Naghalf-day lang ako. Kailangan ko pa kasing maghanda ng mga gamit. Babantayan ko si Yaya Pilar mamaya sa ospital. She will undergo a major operation sa makalawa." Paliwanag ko. Tumango lang ito.

I was about to open my car when Xerxes' car stop in front of me. Napakunot ang noo ko dahil wala naman kaming usapan na susunduin niya ako ngayon.

"Ihahatid na kita." Sabi nito sabay kuha sa maliit na maleta na dala ko. Doon na kasi ako didiretso galing opisina sa mga susunod na araw. Wala akong magawa kundi sumunod dito.

"Hi, Yaya! Kumusta po ang pakiramdam ninyo?" bungad ko nang makitang nakaupo si Yaya sa hospital bed niya.

"Ito, nabuburo na. Mabuti nga at binibisita ako ni Dok Sci parati. Sino tong kasama mo Aya. Ang gwapo naman. Model ka ba ijo?" daldal ni Yaya Pilar. Napailing na lang ako.

"Si Xerxes Villafuerte po Ya. Xerxes, si Yaya Pilar." Pakilala ko sa dalawa. Nagmano naman si Xerxes.

"Hello po. Gusto niyo po bang ipasyal ko kayo. May magandang garden po dito sa pagkakaalam ko." Narinig kong aya ni Xerxes. Agad namang sumang-ayon si Yaya. Nakasunod ako habang tulak-tulak ni Xerxes ang wheelchair kung saan nakasakay si Yaya Pilar. Napansin kong madaling nagkapalagayang loob ang dalawa. Napapatawa pa nga si Yaya Pilar habang kwelang isinalaysay ni Xerxes ang mga kabulastugan nito sa panahon na nag-aaral pa ito. I didn't see this side of him. Ang pinapakita lang kasi nito ang pagiging seryoso nito. Para ngang ilag ang mga tao sa kanya. 'You need to know him more!'

Hindi ko alam na matagal na pala akong napatitigsa kanya. Kinindatan pa ako ng loko kaya inirapan ko na lang. Bakit naman kasimay patitig-titig pa akong nalalaman. Iniwan ko ang dalawa na masayangnagkikwentuhan. Pumasok ako sa ospital at hinanap ang future sister-in-law ko.I want to befriend her pero nagulat ako nang makitang naghahalikan si kuya atate Sci sa private room ni yaya. 'Shit!What was that?' 

Her AnticsWhere stories live. Discover now