Chapter 20 [Edited]

15.8K 206 33
                                    

Chapter 20

Trixie Clarisse Reyes

For a month halos araw araw kaming magkausap ni Bricx. Tinatawagan niya ako o hindi kaya naman ay nag-cha-chat kami. But I don't know what happened, after two months he stopped contacting me.

I haven't heard any news about him. I tried asking his parents but they didn't say anything. And for almost two years hinintay kong tawagan niya ako, but no sign of him, kahit text or e-mail wala. So I started distracting myself, nagtrabaho ako sa company namin, at sa apat na taon na nagtrabaho ako doon ay mabilis na umangat ang position ko sa kompanya. And then I lost count, anim na taon na pala ang nakalipas simula ng umalis siya.

"Should I accept it?" Pang-limang beses na tanong sakin ni Xenia habang hawak hawak ang isang singsing. Michael asked her to marry him.

"Bakit ako ang tinatanong mo? Ako ba ang magpapakasal?" Inirapan ko siya habang sinusukat niya ang singsing sa daliri niya.

Halos dalawang taon din siyang niligawan ni Michael at noong isang araw lang ay ang second anniversary nila, kasabay non ay ang pag-propose niya dito.

"Eh, kasi pano kung in love pa pala siya sa'yo?" I rolled my eyes and took a sip of my coffee.

Nasa isang coffee shop kasi kami, hinihintay namin si Aesser na kasabay kong pupunta ng Cavite mamaya para sa lupang pagtatayuan ng bago kong business, it's a clothing line. Noong una ay hindi ito patok but when I asked for Serene's help since sikat ang shoeline nila at naghahanap din siya dati ng new gimmick para mas dumami ang sales ng company nila I offered my idea, ako sa designs at siya ang bahalang magdala sa clothingline.

Now we're having an expansion all over the country, and in no time maybe by next month magtayo na din kami ng branch sa ibang bansa. Kaya ko isasama si Aesser doon ay dahil sila ang kinuha kong firm para magtayo ng branch namin doon.

"By the way, saan kayo sa Cavite ni Aesser pupunta?" Tanong niya sakin at tinago sa lalagyan nito ang singsing.

"Sa Dasmariñas. Nakailang tanong ka na sakin niyan, ah." Nangalumbaba ito at humigop ng frappe niya.

"Nalimutan ko ulit."

"Seriously? Sa Tatlong beses na tinanong mo ako kanina nakalimutan mo pa din? You should talk to a doctor." Inirapan ko siya na ikinangiti niya lang, that's why I hate being with her. She's in love, and I hate people who are in love. Cheerful sila at palaging nakangiti. I hate it.

Ilang saglit lang ay dumating na si Aesser at inaya akong umalis na. Hinatid muna namin si Xenia sa bahay niya at pumunta nan g Cavite. Nagsaksak ako ng flashdrive sa stereo niya at pinatugtog ang paborito kong kanta, Temporary Bliss ng The Cab.

"Are you going to stay at Cavite?" Tanong niya at hininaan ang music. Bummer.

"Hindi sa Cavite, sa Tagaytay," Sagot ko sakanya at sumandal sa headrest. "How about you?"

"Can't. I have a date with Shane tomorrow," malawak na ngiting sabi nito. Inirapan ko lang siya at pumikit. Another cheerful and in love person. Kelan ba ako malalayo sa tulad nila? "Maalala ko nga pala, tomorrow you're turning twenty four, what's your plan?" Saglit na lumingon ito sa akin at binalik din agad ito sa daan.

"I don't know. Baka mag-dinner na lang kami nila Mama sa bahay." I don't really have a plan since pati ako ay nakalimutan kong bukas na pala ang birthday ko.

Pagdating namin sa site ay pinaliwanag lang sakin ni Aesser ang plano niya para sa itatayong branch, maganda ang design na pinakita niya sa akin, simple lang pero eleganteng tignan. Dalawang floors ito, sa taas ang fitting are, katulad ng sa boutique ni Tita Sansa. Ang ganda kasi talaga ng boutique niya. But mine will be a little different from her boutique dahil ang part kung saan nag-fi-fitting ay may isang platform, doon tatayo ang magsusukat ng damit after niyang magpalit para makita siya ng iba.

Basketball Love Affair 1: Foul PlayWhere stories live. Discover now