Chapter 14 [Edited]

11K 179 11
                                    

Chapter 14

Trixie Clarisse Reyes

Nasa gym kami ngayon, training as usual. Simula ng laro nila laban sa Eagles ay mas naging pursigido ang team sa training, mas sineryoso nila ang practice and just few days ago, nilampaso nila sa court ang huli nilang kalaban, that just mean na pasok na ang Dragons sa Semi Finals.

"Okay, fifteen minutes break!" Sigaw ko at pumito sakanila. Nagsitakbuhan sila papuntang bench at uminom ng tubig.

Tumalikod ako at binasa ang hawak kong folder tungkol sa susunod na makakalaban ng Dragons, the Lions. Focus ako sa aking binabasa nang may biglang yumakap sakin mula sa likuran.

"Captain, ang sagwa!" Kantyaw ng iba kay Bricx. Inatake nanaman ako ng allergy, nagpumiglas ako pero mas lalo lang hinigpitan ni Bricx ang pagkakayap sakin.

"Isa, kapag hindi ka bumitaw babatuhin kita ng bola." Pananakot ko sakanya.

"Okay lang, I like this more." Umarteng nasusuka ang ibang players, ngumiti lang si Bricx at hinalikan ako sa batok at mas hinigpitan ang pagkakayakap sakin.

Kahit mabilis ang pagtibok ng puso ko ay tinapakan ko siya sa paa gamit ang takong ko at kumawala sakanya, hinamapas ko ang folder na hawak ko. Tumatawa lang siya habang hinahampas ko siya, ganon din ang ibang players na chini-cheer pa ako sa ginagawa ko. Nang mapagod kaming parehas ay inakbayan niya ako at hinarap sa mga players.

"Isn't my future wife amazing?" Nanahimik kaming lahat, ang mga players ay gulat na nakatitig kay Bricx, si Daniel lang ang naglakas loob na nagsalita.

"Look at what losing can do to a person." Ngumisi ito at bumalik na sa court.

Umismid lang si Bricx at hinalikan ako sa pisngi bago bumalik sa court, inagaw niya ang bolang hawak ni Daniel at shinoot ito sa ring.

"No, Daniel, this is what losing can do to a person." Nanatili ako sa pwesto ko, disoriented. Is it possible that I'm not the only one who lost this game?

Nawala ako sa iniisip ko ng tumunog ang phone ko, it's from Shiloh, isa sa players ng Falcons. Agad na sinagot ko ito at bigla akong kinabahan sa binalita niya. Michael and Aesser's fighting now at their gym.

"Training's over!" Sigaw ko at kinuha ang mga gamit ko, madaling umalis ako at hindi na pinansin ang pagtawag sakin ni Bricx.

Nagmaneho ako gamit ang motor ko papunta sa school nila Aesser, mabilis na nag-park ako sa tapat ng gym kahit bawal at pumasok sa loob nito, doon ay naabutan ko ang kumpol ng mga taong sumisigaw. Sumiksik ako pero masyado silang madami kaya naman tumigil ako at humalukipkip.

"Tumabi kayong lahat!" Sigaw ko sakanila kaya naman napatigil sila at binigyan ako ng daan, sa gitna ng nagkukumpulang tao ay nandon si Michael at Aesser na parehas may sugat sa mukha. Hawak ni Shiloh si Aesser at si Kael naman ay inaawat si Michael.

"Kayong dalawa, sa locker room." Tinalikuran ko sila at naglakad ako papasok ng locker room nila.

Narinig ko ang pagmura ni Aesser kay Michael at sumunod silang dalawa sakin, naupo ako sa isang bench dito at masamang tinitigan silang dalawa na nakatayo ngayon sa harapan ko at nakayuko.

"What do you think you two are doing, huh?" Malamig na tanong ko. Hindi sila sumagot at nanatiling nakatingin sa lupa.

Para kong pinagsasabihan ang dalawang paslit. Hindi lang pala ang Dragons ang problema ko, pati pala sila. Hinilot ko ang sentido ko at tumayo, lumapit ako sakanila at parehas silang sinampal.

"Anong problema niyong dalawa? You used to be best friends, what happened?"

"Nothing." Malamig na saad ni Aesser at binigyan ng matalim na tingin si Michael bago umalis.

Basketball Love Affair 1: Foul PlayWhere stories live. Discover now