Chapter Four

16 0 0
                                    

Chapter Four

Sorry, hindi ko kabisado yung sinasabi sa eroplano, isang beses pa lang akong nakakasakay dun, bear with me. Mwahahaha XD

PS. Pigil na pigil akong maglagay ng emoticon dito, ang kyut ni Vanessa, ajujuju.

Enjoy~

Vanessa's Point-of-View

"Please wear your seatbelts chuchu eklavush..."

Now I'm stucked with this Apple. Papunta kami sa Davao at sinama niya ako, ang dami ko pa namang naiwang trabaho sa office. Bahala na si Batman, nakahanda na ang tenga ko sa sermon ni Daddy. Isang buwan pa naman bago kami umuwi ni Mansanas... enough time to prepare an alibi.

"Isang smile naman dyan, Vanessa!" sigaw ni Mansanas habang kinakalabit ako. At dahil sa sobrang mega-duper-ultra kulit na niya, hinarap ko siya.

"Anong dapat kong ingiti kung ang kasama ko'y katulad mo?"

Napasimangot siya sa sinabi ko. "Ang sama mo naman."

Sa loob ng dalawang oras na biyahe papunta sa Davao ay tahimik lang si Apple, nakakaguilty naman 'to. Nang makasakay na kami sa Holiday Bus ay hindi pa rin siya umiimik.

"Apple, wuy, Apple," pangungulit ko sa kanya. Hindi pa rin niya ako pinapansin, waaaaaaaah! Galit sa'kin si Apple.

"Appleeeeeee~" pagpapa-cute ko sa kanya kaso sinigawan lang niya ako tsaka siya tumalikod sa akin. Baaaaaad Apple, galit talaga siya sa akin.

Nakanguso tuloy ako nang umandar yung bus hanggang sa bigla nalang mag-ring yung cellphone ko.

(Lenard calling)

Nang makita ko ang pangalan ng tumatawag ay agad ko itong sinagot, "Hello?"

(VANESSA!)

"Alam kong maganda ang pangalan ko, huwag mo nang isigaw pa't ipangalandakan," sagot ko sa kanya. Makasigaw naman kasi 'tong lalaking 'to, parang hindi lang nangyari yung hagdan scene, a?

(Quit joking, Vanessa! Nasaan ka ba, ha?)

"Bakit? Miss mo na ako?" sa sinabi kong 'to ay biglang napatingin sa akin si Apple na para bang nagtatanong kung sino yung kausap ko.

(I said quit joking, Vanessa! Nasa ospital kami ngayon, I'm with Kuya. Na-confine si Cloud, nasaan ka ba kasi?)

"Cloud? Yung lalaking anak ni Chloe na maldito?" tanong ko sa kanya nang maalala ko yung batang pinaghahampas ako't sinabing inaagaw kuno ko si Rod kay Chloe. "O, anyare sa bata? Tsaka nasa Davao ako, 'no!"

I heard him sigh. O, anong drama nito't may buntong hininga portion pa?

(Namana ni Cloud yung sakit ni Rod, Vanessa.)

Nagulat ako dun sa sinabi niya... as in yung sakit ni Rod na sakit sa puso ay namana nung bata?

"Tell me you're joking, Lenard... imposible kaya! Ang lakas-lakas nung batang yun noong huli kong punta kina Chloe, 'no!"

(No, I'm not joking, Vanessa. Ngayon sinabi ni Kuya sa bata ang sitwasyon niya, hindi matanggap ni Cloud, Vanessa. Naaawa ako sa pamangkin ko, napakabata niya pa para dalhin yung sakit na iyon.)

Naaawa rin tuloy ako kay Lenard. Yung tono kasi ng boses niya, e, parang yung tono rin noong pinagpaplanuhan naming paghiwalayin sina Chloe at Rod, parang yung tono noong umiiyak siya habang kinukwento niya sa akin ang lahat ng dinanas niya sa Tito Leo nila. Gusto ko siyang puntahan pero... paano si Apple? Nakapangako pa naman ako sa kanya na sasamahan ko talaga siya sa trip niya na 'to.

"I'm sorry, Lenard, at wala ako ngayon diyan sa tabi niyo nina Rod at Chloe. Don't lose hope, Lenard, magiging ayos din ang lahat."

(Sana nga, Vanessa, sana nga. O, sige na, ibaba ko na 'to. Baka nakakaistorbo pa ako. Ano ba kasing ginagawa mo diyan at sinong kasama mo? Tsaka saan kayo exactly pupunta?)

"I'm with my friend, Apple. Bakasyon lang na kasama siya, sa Paligue, Davao del Sur kami pupunta. Ang dami mong tanong, e, ang sabi mo ibababa mo na. Sige na, babye na, tawagan lang kita kapag may time," and with that, I ended the call tsaka ko hinarap si Apple na nakataas na ang kilay ngayon. "What?"

"Sino yun, boyfriend mo?" he asked habang nakataas pa rin ang kilay. Para siyang bakla!

"Are you joking or what? Si Lenard, boyfriend ko? Isipin mo na kapag nangyari yun, lulubog ang araw sa oras na alas-siyete ng gabi!"

"So... hindi mo siya boyfriend?"

"Oo nga, ang kulit mo namang Mansanas ka!" I shouted while pouting dahil sa sobrang kakulitan niya.

"So may pag-asa pa pala ako sayo?"

Wait lang, bati na pala kami... WAIT ULIT! What the hell did he just say?!

Colors and Promises (MIR and MSD FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon