Chapter Five

14 0 0
                                    

Chapter Five

Hutek, kinikilig ako sa Fruit Couple! Sila na lang kaya? And by the way, I wrote everything here for a purpose, read between the lines ang peg ko. BWAHAHAHA XDD

Short chapter? IKR, 25 minutes ko lang 'tong ginawa. Bawi lang ako sa susunod :)

Enjoy~

Lenard's Point-of-View

"Leave me alone!"

"NO! CLOUD KENARD, YOU LISTEN TO ME!" natahimik kaming lahat nang sumigaw na si Chloe. "May sakit ka pero may pag-asa pa naman, e. Tignan mo ang Daddy mo... nagkasakit siya, right? Pero gumaling siya kasi gusto niyang gumaling, sana ikaw din, kumapit ka lang sa pag-asa na gagaling ka. Tandaan mo 'yan, Cloud."

Pagkatapos niyang sabihin ang lahat ng iyon ay lumabas na siya, sinundan naman ni Kuya dahil buntis si Chloe't baka kung ano ang mangyari roon, naiwan naman ako sa loob ng kwarto kung saan nakaratay ang umiiyak na si Cloud, nakaupo lang naman sa tabi si KC na nagpipigil sa paghikbi. Nilapitan ko si Cloud.

"Cloud, may pag-asa pa. Maagapan natin 'yan," marahan kong sambit sa kanya at

umiling naman siya sa akin habang marahas na humihikbi.

"No, Tito Lenard. Walang pag-asa. Humihinga nga ako pero magiging masaya pa ba ako kung halos lahat ng bagay na gusto kong gawin, pinagbabawal sa'kin?! Kulang nalang, pati pag-ngiti'y ipagbawal nila sa' kin. May pag-asa nga pero sa pag-asa bang 'yan ay may sayang nakapaloob?" Nagulat ako sa tono ng pananalita niya, tila hindi siya isang six-year-old kid.

"Yes, Cloud. There's happiness in hope. Just... don't give up," bigkas ni KC tsaka siya lumabas habang nagpupunas ng luha. Hindi ko naman iniwan si Cloud, ayoko siyang iwan, ayokong mapag-isa siya kasi... alam ko kung ano 'yung pakiramdam na mawalan ng kasama, 'yung mawalan ng kakapitan at ayokong dagdagan pa 'yung sakit na nararamdaman  niya.

Nang makatulog si Cloud ay tinawagan ko si Vanessa at inilabas sa kanya ang lahat ng hinanakit ko. At kung suswertihin ka nga naman, nasa Davao siya with her girl friend, Apple. I kinda missed her, ilang linggo rin kaming hindi nagpansinan hindi lang dahil sa busy siya sa kompanya nila but also because of that creepy, awkward ladder scene.

Akala ko kay Chloe ko lang mararamdam 'to, pero bakit ganoon... tumatak sa isip ko ang pigura ni Vanessa habang natutulog siya sa condo ko. Hindi siya maalis sa utak ko, pati na rin ang sinabi niya bago siya makatulog. Ngayon ko lang naalisa ang itsura niya noon. She looks so fragile that day, she looks so hurt. At kapag naiisip ko 'yun, sinisisi ko ang sarili ko. Ako ang nagtulak sa kaniyang akitin si Rod. Ako ang nagtulak sa kaniya na gawin ang lahat nang iyon, ako ang nagtulak sa kaniya para mas masaktan pa siya. Kasalanan ko ang lahat kaya nga isang absurd na ideya ang pumasok sa isip ko... bakit nga ba hindi nalang kami ni Vanessa?

Colors and Promises (MIR and MSD FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon