Chapter One

47 1 2
                                    

Chapter One

Lenard's Point-of-View

SA wakas, nakalaya na rin ako! Ilang taon ba ang hinintay ko bago ako naparolan? Na-missed ko ang polusyon dito sa labas!

"Tito Lenaaaaaaaaaard!" napalingon ako nang marinig ko ang matinis na boses ng isang batang lalaki. "CLOUD!"

Ilang saglit ko ring niyakap si Cloud at nakisali rin sa amin si KC. Pinaghahalikan ko sila sa mukha dahilan para matawa ang mga magulang nila. Humiwalay ako sa yakap naming tatlo at hinarap sina Kuya.

"Bro," ani Kuya tsaka ako ikinulong sa nakakasakal na yakap. "Ang taba mo na, ano bang ginawa mo doon sa loob? Kumain ng kumain?"

"Sira," sabi ko tsaka ginulo iyong buhok niya, napabungisngis naman ang mga bata at si Chloe... si Chloe. Ang babaeng minahal ko, minamahal ko at mamahalin ko.

"Chloe, kumusta na?" tanong ko sa kanya. Wala pa ring nagbago sa kanya, siya pa rin 'yung batang uhugin sa Baguio na minahal ko.

"Okay lang naman, ikaw? Mukhang napabayaan ka yata sa kusina!" sigaw niya tsaka tumawang muli. Bakit? Para pa ring musika sa tenga ko ang tawa niya, wala pa rin talagang nagbabago. Siya pa rin ang nag-iisa dito sa puso ko.

MALAKAS na musika ang sumalubong sa amin ng tropa sa loob ng isang bar. Dahil nga nakalaya na ako ay nagkaroon ng yayaan kasama ang buong tropa -si Kuya, Chloe, Dianne, Harry, si Veronica, Michelle, Barbie, Billy, si Vhong at si Vanessa.

"Ano pang hinihintay natin? Let's get wasted!" sigaw ni Veronica na nakasuot ng hapit na hapit na kulay itim na above the knee dress. Halos lahat ng babaeng kasama namin ay nakapang-sexy dress at kahit na naka-loose shirt at leggings lamang si Chloe ay nangingibabaw pa rin ang ganda niya.

Nagpunta kami sa bar counter at um-order na, sagot ko ang lahat. Nakita kong tumayo na sina Harry at Dianne pagkatapos ng ilang shots, pumunta sila sa gitna at sumayaw. Sumunod namang tumayo ang three bitches habang hila-hila ang mga kapareha nila, tumayo na rin si Vhong para maghanap ng chics. Naiwan kami nina Kuya, Chloe at Vanessa dito, lihim akong napangiti. Mukhang sinadya talaga 'to ng mga kasama namin.

"Hindi ba kayo iinom?" tanong ko kina Kuya at Chloe. Umiling naman si Chloe, napangisi naman si Kuya.

"Hindi pwede, e. Makakasama kay baby," nakangising sagot ni Kuya, namula naman si Chloe.

"Wow, congrats!" nakangiting bati ni Vanessa. Tinapik ko naman sa balikat si Kuya at nginitian ko naman si Chloe, a sign of congratulats... kahit na masakit pa rin talaga.

LUMIPAS ang ilang oras at hindi na bumalik ang iba pa naming kasamahan habang kami naman ni Vanessa ay nalunod na sa alak.

"Bro, kailangan na naming umuwi. Kaya mo na ba ang sarili mo?" tanong niya at tumango naman ako. "O, sige. Mag-control ka, ha?"

Umalis na sila. Tinitigan ko naman si Vanessa, kanina pa kasi siya tahimik at mukhang namomroblema, nilapitan ko siya.

"May problema ka ba?" napaigtad siya at mukhang nagulat sa pagsulpot ko.

"Nandiyan ka pala, Lenard. Problema? Wala 'no! I'm fine, really," aniya tsaka tumungga ng alak. Mukhang lasing na talaga siya. Tinitigan niya ako ng matagal tsaka muling nagsalita.

"Mahal mo pa ba si Chloe? Kasi ako, mahal na mahal ko pa si Rod. Minsan hindi ko maiwasang isipin na that should be me, not Chloe. Ako dapat 'yung nagdadalang-tao ngayon, not her," huminto siya sandali para punasan 'yung mga luha niyang nag-uunahan sa pagtulo. "Pero ano bang magagawa ko? Ako naman 'yung nang-iwan, e. Kailangan kong harapin 'to, kahit na sobrang sakit, kahit na sobrang mahirap, I should face this. Kabayaran na rin sa minsan kong panggugulo sa buhay nila."

Isang napakahabang katahimikan ang pumalibot sa amin, hindi ko alam kung ano ang dapat sabihin. Tinitigan niya ako sa mga mata.

"Ano kaya kung tayo nalang, Lenard?" nagulat ako dahil unti-unti na siyang lumalapit sa akin at... at hinalikan niya ako then she passed out.

Colors and Promises (MIR and MSD FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon