EPILOGUE

140K 2.4K 108
                                    

EPILOGUE

            PINIGILAN niya ang paglipad ng suot niyang Victorian hat dahil sa biglaang paglakas ng ihip ng hangin. Napapikit na rin siya kasi baka mapasukan ng pollen ang mga mata niya at saka napatingala sa langit. She is in the middle of the flower field laying over her picnic blanket.

            “Mommy!!!!” napatingin siya sa limang taong gulang na anak niya na patakbong tumungo sa kanya. May hawak itong bulaklak na kinuha lang yata nito sa field. Umayos siya ng upo at hinintay ang anak na makarating sa kanya.

            “Gideon Emerson be careful.” Aniya sa anak ng muntik na itong matapilok sa nakausling bato na pahara-hara sa daan. Hindi naman ito nadisgrasya pero bilang ina iba pa rin ang dating niyon sa kanya.

            “I am okay mom.” ngumisi pa ito. Napatitig siya sa anak niya kahit kailan talaga hindi siya magsasawang tingnan ito kamukhang-kamukha kasi nito ang ama nito… Wess. Almost six years na rin noong hilingin niyang lumayo muna ito sa kanya. Mahirap para dito ang hiningi niya she can still remember what happened like it was yesterday.

            Naglalakad na siya palayo sa binata kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan ng biglang may mainit na bagay na yumakap sa likuran niya. Hindi na siya nagpumiglas because it is no use naman and besides kung iyon lang din naman ang huling yakap nila bakit hindi nalang niya pagbigyan ang kanyang sarili?

            “I will let you go for now but it doesn’t mean hahayaan ko nalang na tuluyan mo akong malimutan Chrome.” Kumalas ito sa kanya at hinarap siya nito. Hindi niya alam kung umiiyak ba ito o hindi dahil na rin sa malakas na buhos ng ulan. “Ikaw ang pinaghintay ko noon ako naman ang maghihintay ngayon. Kahit gaano pa iyon katagal I am more than willing to wait for you to come back for me, to love me again. Hindi madali ang pinagdaanan natin pero ngayon pa ba tayo susuko? Ngayon pa bang magkasama na uli tayo at magiging isang pamilya na tayo? I am a jerk we both know that but let me prove to you that this jerk can love you more than what you think I can.”

            Sinapo nito ang magkabilang pisngi niya at saka inilapat ang mga labi ito sa kanyang mga labi. Biglang nawala ang lamig na naramdaman niya sa ginawa nito he probed her lips and part it as he tried to kiss her whole heartedly. Kusa na ring naglandasan ang mga luha mula sa kanyang ga mata dahil ramdam na ramdam niya ang intesidad ng paghalik nito sa kanya. Ramdam niya ang pagmamahal nito para sa kanya. Iyong love na hindi nagbago kailanman, it changed… but he love her now more than before.

            “You’ll wait?” she asked.

            “I’ll make you love me again. That’s a promise kahit kailan hindi ako sumuway sa pangako ko, when I promised to love you before I did, sabi ko hindi ko magmamahal uli unless it was Chrome and you came back and made me love you more than anything in this world. I’ll fix myself I will be a much better person I will be a person worth for your love and I will be a father worth to be looked upon.” Hinawakan nito ang impis na tiyan niya at muntik na siyang maiyak sa nakitang saya sa mukha nito. “I’ll wait for you kahit ilang taon pa iyan I have waited you for eight long years and I don’t mind waiting for another years.”

Royale Series 11: Perfectly Captured (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon