CHAPTER TEN-B

104K 2.1K 205
                                    

Chapter Ten-B

            KANINA pa siya suka ng suka, this morning sickness is really killing her mabuti nalang at soundproof ang silid niya or else baka nabuko na siya ng mga tao sa bahay. Natatago pa naman niya nakaisip na rin siya ng way para hindi mapansin ng daddy niya, babalik muna siya sa UK kapag nagfour months na ang tiyan niya o kaya naman ay three months kasi baka mahalata na ang paglaki ng kanyang tiyan.

            Inayos niya ang kanyang sarili at saka inayos na rin ang suot niyang sweater na Malaki, hindi na kasi niya type ang magsuot ng night gowns lalo na at buntis siya tapos baka malamigan siya. Hindi siya doctor tanging mother’s instinct lang ang gumagana sa kanya kaya sinusunod nalang din niya. Wala namang masama kapag maniniwala nalang siya s autos ng utak niya.

            Nagke-crave din siya ng kung anu-ano, sa katunayan ay lumalabas siya ng bahay kahit na madilim para lang makakain ng magnum gold na ice cream. Mas masarap kapag sa seven eleven niya bibilhin kapag kasi stock sa bahay parang nababawasan ng lasa, ang weird din niya.

            Nagugutom na rin siya kaya nagmamadaling lumabas siya ng banyo and unfortunately may nasagi siyang box. Naiinis na kinuha pinulot niya ang laman, iyon pala iyong birth certificate at death certificate ni Jen. Dapat itapon na niya ang death certificate nito, ang araw kasi ng pagkamatay kuno nito ay ang araw na nagising siya at nagkaroon ng panibagong buhay…

            The day I was born

            Agad niyang kinuha ang blue na diary na hindi pa niya nababasa dahil dami ng mga nangyari. She pressed the key buttons and pressed the numbers and it clicked. Bigla siyang kinabahan pakiramdam kasi niya ay may malalaman siyang kakaiba at pasabog.

Hi future me,

            Hindi ko alam kung mababasa mo ito o hindi pero kung mababasa mo man ito malamang may ideya ka na sa mga nangyayari. Sana kapag nabasa mo sulat dito patawarin mo ang sarili mo, ang sarili natin dahil hindi naman natin sinasadya ito eh. Nagkataon lang.

CJ

 

Dear diary,

            Isang linggo din mula noong araw na akala ko ay mamamatay na ako. Nandito ako ngayon sa UK kasama ko ang daddy ko at ang kapatid ko na si Elizabeth. Yup, may twin sister ako and she is really cool para siyang modern princess. Ang pretty niya just like me. Masaya ako dahil kahit na sa kaunting panahon lang ay makakasama ko siya.

CJ

 

Dear diary,

            Nalaman ko ang lahat sinabi pala ni dad na patay na ako sa Pinas. Hindi ko naman siya masisisi dahil pakiramdam ko hindi na naman ako mabubuhay. Minsan naiisip ko pa rin si Wess, malungkot kaya siya ngayon?

Royale Series 11: Perfectly Captured (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon