Part 1

26K 502 102
                                    


BUWI WAS doing his cool down exercise in his garden when he heard someone calling him from the other side of the road.

"That's enough displaying, Buwi! Give us a break, man! Alam na ng lahat kung gaano ka ka-macho kaya mag-inuman na muna tayo!"

Nagpamaywang siya nang makitang nakangising nakaupo si Haru sa garden table nito kabilang bahay, kaulayaw ang dalawang case ng beer katabi ng silya nito. Naroon din ang long-time friend nito at barangay captain ng kanilang barangay na si Borromeo Asuncion o mas prefer nilang tawagin sa palayaw nitong 'Bucho'. Sa dalawa, si Bucho lang ang may hawak na beer.

"Istorbo kayo sa pagkakalat ko ng biyaya sa mga kababaihan," sagot ni Buwi. "At ikaw, Horacio, ang lakas ng loob mong magyayang uminom, e tatlong shot lang naman tulog ka na."

"Hey, hey, naturuan yata ako ng mga Russian reporters na nakasalamuha ko sa mga field assignments ko kung paano hindi matutumba sa mga inuman. Gusto mo akong subukan?"

"Nasabi mo na rin iyan noong pagkagaling mo sa South Korea. Sabi mo marami kang Korean friends na tomador. Pero tinulugan mo pa rin kami pagkatapos mong malasahan ang dalang lambanog ni Ryu."

"Aksidente lang iyon. That was the first time I tasted that awful drinks, so what do you expect? Anyway, nakaraan na iyon. Ano, kaya mo ba? Tinawagan ko na ang iba pa nating mga kumpadre. Parating na ang mga iyon."

"Hah. Walang tinatanggihang hamon ang guwapo at machong si Buhawi Magno."

"Oy," wika ni Bucho na kampante pa ring nakaupo sa silya nito habang pinapaikot sa hawak nitong baso ng alak. "Huwag kang magpakalat-kalat dito ng walang pang-itaas. Ayoko nang makatanggap pa ng tawag ng isang nagrereklamo dahil sa pagiging exhibitionist mo."

Napangiti si Buwi. Iisa lang naman kasi ang taong kilala niya, or kilala nilang lahat na magkukumpare, na constant caller ng kanilang barangay captain para ireklamo siya.

"Naiinggit lang iyon sa akin, Bucho."

"I don't think darating ang araw na kaiinggitan ka ni Kelly."

"Lalaki naman iyon."

Isinusuot pa lang niya ang kanyang t-shirt habang naglalakad patungo sa kabilang bahay nang makasabay niya ang mga kumpare niya sa binyag slash kaibigan slash kapitbahay.

"Hi, Pogi," biro ni Waki, ang isa sa pinakasikat na aktor sa bansa, nang makalapit ito sa kanya. He was acting a gay guy who was trying to make a pass at him. "Magkano ka sa magdamag?"

"Hindi mo kaya ang presyo ko."

"One more word from the two of you, I'll send you both to jail for malicious exchange of conversation." Nilagpasan na sila ng abogadong si Makisig.

"Meron bang ganong klase ng kaso?"

Nilingon siya ni Makisig, seryoso pa rin ang mukha. "Hinahamon mo ba ang kakayahan ko pagdating sa batas ng Pilipinas?"

"Sabi ko nga tama ka kaya tatahimik na lang ako." Magkasunod ng pumasok ng bakuran ni Haru sina Waki at Makisig. Tinapik naman siya sa balikat ng doktor na si Matt.

"Masama sa katawan ang matuyuan ng pawis, Buwi."

"Yes, Dok." Kung meron man siyang tanging pinaniniwalaan sa kanilang mga nagkakatipon doon, si Matt iyon. Dahil dito siya nakakakuha ng mga libreng tips kung paano niyang mapapangalagaan ang kanyang katawan.

"Drei, Ryu, guess what? Kanina ko lang nalaman na ang history pala ng siopao ay galing sa kuwento ng isang babae noong unang pahaon na payat at nakaputi lagi..." panay ang kuwento ni Lian na isang guro sa isang private highschool, sa pagitan ng tahimik na magpinsang Ryu at Drei. Tahimik dahil hindi naman talaga pala-salita ang magpisan. Pero mabuti na lang at si Lian ang kumakausap sa mga ito dahil ito na yata ang taong hindi mauubusan ng kuwento. Totoo man o gawa-gawa lang.

CALLE POGI #1: BUWIWhere stories live. Discover now