8:12 PM, Sunday, Acacia St.

85 5 4
                                    

8:12 PM, Sunday, Acacia St.

Madilim ang paligid. Ni anino mo hindi mo na rin makikita. Naglalakad sa kawalan ang isang binatilyong tila lango sa alak. Hawak nito ang isang gramo ng mumunting butil na animo’y asin samantalang ang ilong nito ay abala naman sa kakaamoy ng boteng may pulang laman. Suot nito ang paboritong t-shirt na pinulbusan ng downy na ngayon ay mag-iisang linggo nang suot ng binata.  Litaw ang ngipin nito na halos isang taon nang hindi nalalapatan ng sepilyo at ang mukha na naglilimahid sa pintura at libag. Sa kakalakad, di alintana ng binatilyo ang napigtas na tsinelas. Dala na rin ng ligayang dulot ng boteng karamay sa paglalakad kaya hindi nito napansin ang diwatang naghihintay sa upuang kahoy bitbit ang mga maleta at shoulder bag.

Makinis ang babae. Nasa edad bente-kuwatro kung susumahin. Balingkinitan ang hubog ng katawan nito na may napakagandang relo sa kaliwang kamay na napapalibutan ng usok ng sigarilyo. Hawak naman nito sa kabilang kamay ang cellphone habang tumatalsik ang laway na nakikipag-usap sa kabilang linya.

“Nasaan ka na ba kasi? Akala ko ba susunduin mo ko dito? Anong oras na!” sabay hithit ng sigarilyo na malapit ng maubos. Maya-maya pa’y pumatak na ang ulan. Malalaki ang butil kaya’t nagawa nitong mabasa ng bahagya ang manipis na damit ng dalaga.

“Kainis! Pag minamalas ka nga naman oh. Hello.. wag mo na kong sunduin. Leche!” sabay hagis ng cellphone sa kawalan. Dali-dali naman niyang binuksan ang isang maleta at hinanap ang Hello Kitty na payong. Nang mahanap ang payong, agad nya itong binuksan at nagpalinga-linga sa paligid. Kumaripas ng pagtakbo ang dalaga at sumilong din sa may malapit na waiting shed upang ilagay roon ang mga gamit. Muling binuksan ang payong at hinanap ang cellphone na hinagis. “Sh*t!  Magpakita kang cellphone ka!” Mukha naman atang dininig ang usal nito kaya’t nakita ang cellphone na bahagyang nawasak. Sa likuran niya ay may kung anong pumalo sa kanyang batok dahilan upang dumilim ang kanyang paligid.

Kinuha ng lalaki ang mamahaling cellphone ng dalaga. “Aba! Ayos to ha? Original!” sambit ng matabang lalaking may itim na mistulang medyas sa mukha. “O? Ano pang tinu-tunga-tunganga mo d’yan? Patayin  mo na yan at baka may tumawag pa. Bilisan mo! Patayin mo na yan! Tulungan mo ko dito. Baka magising pa to!” tarantang sabi ng isa pang lalaki na may malaking supot na dala. Mabilis namang sinunod ng matabang lalaki ang utos ng kasamahan. Sa una’y nangangapa pa ito kung papaano patayin ang cellphone at mayamaya pa’y naisip na rin kung paano buksan ang likod nito para kunin ang baterya. Tinakpan ng lalaki ang mukha ng dalaga. Tinali ito at iniupo sa gilid ng puno ng balete. Nagpalinga-linga at nakita na rin ang hinahanap.

Habang abala sa pagbubukas ng maleta, nagising ang dalaga. Nagpapungas-pungas ito nang malamang naka-plastic ang ulo nito. “P*ste! Patahimikin mo nga yung babaeng yon.” inis na utos nito. “E, wala naman tayong packing tape na dala. Paano ko patatahimikin?” sabay kamot sa ulo ng matabang lalaki. “Bobo! Gamitin mo yang utak mo, gunggong! Maghanap ka nang bato o bote at ihampas mo sa ulo niyang baklang yan!” . Bagamat lito, nakahanap din ng bato ang lalaki. Nakuha pa nitong tumakbo ng mabilis papunta sa kinaroroonan ng dalaga. Tinignan pa nito ang katawan ng diwatang nakatambad sa kanya. Kumamot ulit sa ulo at nagtaka kung totoo nga ba ang sinabi ng kasama.

“Miss, bakla ka ba?” tanong na nais sanang pakawalan ni Carlos. “May tao ba d’yan? Pakawalan mo ko.. parang awa mo na. Kunin niyo na lang lahat ng pera ko wag nyo lang akong saktan.” nagsusumamong sambit ng babae. Nais na sanang maawa ni Carlos ngunit nangibabaw ang mga kwentong inilahad ni Edgar: kung paano sinira ng baklang nasa harapan niya ang buhay ng kaibigan.

ApprenticeWhere stories live. Discover now