Banggaan sa Bicutan

13 1 0
                                    

8:30 pm --- Bicutan

Nagising ako sa malakas na kalabog. Nakatulog nako't lahat lahat, hindi pa rin umuusad yung bus na sinakyan ko. Lagot ako nito sa tiyahin ko. Inaasahan pa man din niya yung pagdating ko, lalo na't ipapakausap sakin ng isa ko pang tiyahin sa Bicutan sila Inang. 

Pero bakit ganon? Bakit ang daming nagkakagulo sa labas? Magtatanong pa sana ako kaso.. walang driver tong bus na sinasakyan ko. Anyare???

Dali-dali akong bumaba ng bus. Nakisiksik ako para malaman kung anong nangyari. Lumusot ako. Nakipagbungguan. Nakipagbangayan. Pero laking gulat ko na lang sa'king natuklasan. Bigla akong kinabahan. Nagpalinga-linga ako baka mali ang hinala ko..

Naglaho bigla yung bus na binabaan ko kanina. At ang nakikita ko na lang ngayon, yung bus na bumunggo sa truck.. kaparehong bus na sinakyan ko. At ang mas weird sa lahat.. umuulan pero hindi ako nababasa.

Makikiusyoso pa sana ako kaso noong may aleng papunta sa kinalulugaran ko, nagtaka ako. Para akong hangin na dinaan-daanan lang. Lahat ng hawakan ko di ko mahawakan. Feeling ko nagkaroon na ng stampede pero ako lang yung survivor. May umiiyak.. may mga nakatulala.. may duguan pa na nakaligtas sa banggaan. Pero bakit ganon? Wala akong sugat o galos.. pero lumulutang ako. Patay na ba ko?

"Buhay ka pa Elena.. comatose nga lang." isang lalake.

Lalakeng nakajacket na itim at may salamin sa mata.

"Teka.. kilala mo ko?" 

"Hmm.. not really pero.. (biglang may nilabas na itim na notebook sa jacket nya) hmmm..

isang oras na lang ang itatagal mo bago kita kunin."

"Ha? A-anong ibig mong sabihin? Teka.. alam mo kung anong nangyayari sakin? Pero.. pa-paano mo nasabing comatose ako at isang oras na lang y-yung itatagal ko?" Lord.. sana joke lang to. Sana panaginip lang to. 

"Invisible ka na Miss.. lumulutang ang paa, hindi nakikita o naririnig nang iba. Yan ang mga senyales sa sagot na gusto mo."

Di ko maintindihan. Halos tumaas lahat ng balahibo ko sa takot. Di ko mapigilang maluha pero parang may  sariling isip ang mga mata ko at ayaw nilang lumuha. Nanginginig na rin ang tuhod ko at halos gusto ko na lang magising. Magising sa masamang bangungot na to.

Nilapitan ako ng lalakeng bukod tanging nakakakita sakin. May third eye ba sya? Kung patay na ko, bakit siya.. nakakausap pa ko?

"Mali yang inaakala mo. Wala akong third eye."

"P-paano mo nalaman yung nasa isip ko? Sino ka ba talaga?"

Pero hindi siya umiimik.

Tinignan lang niya yung orasan niyang halatang peke na G-shock.

"Miss.. tulad ng sinabi ko kanina, mayroon ka na lang isang oras para manatili sa mundo ng mga buhay. Ngayon, kung may huling bagay ka na gusto mong gawin, sabihin o puntahan, maaari kong ibigay sayo yung pagkakataong yon. And you now have, 55 minutes."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 27, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ApprenticeWhere stories live. Discover now