8:12 PM, Sunday, Acacia St. -- (totoong lugar)

17 1 0
                                    

CLICK – THUNDER STRIKE. Mukhang uulan pa ata. Ang dami kong pagod, mga 500. At good news, wala akong payong. Parang kanina lang, nakakabalisawsaw ang init ng araw. Ngayon, mukhang lulunurin pa ata itong puting sapatos ko na binili ko pa sa Landmark. Kung papalarin ka nga naman. Day off ko pero may pasok. May pasok na nga, overtime pa. Megawd! What’s wrong with the world Mamah?

 

Naglalakad ako ngayon sa pinakamahabang overpass o kung minsan ay tinatawag ring footbridge. Hindi ko alam kung ano nga bang tawag doon o kung anuman ang pinakaiba ng overpass sa footbridge. Basta yun yung napakahabang tulay sa Bicutan habang may traffic sa baba nito na animo’y may shooting ng Transformers 5 at lahat nang truck na kamukha ni Optimus Prime ay pumipila para makapagpa-autograph sa idolo doon sa may tollgate.

Delikado sa daang ito lalo pa at umuulan. Madulas ang tulay na halos may sagala kung maglakad ang mga dumaraan. Samahan mo pa nang mga nagtitinda ng kung anu-anong gamit, nang mga payong na halagang 100php, mga bata at matandang namamalimos at syempre, mga LUPIN gang. Kaya kahit a huge wave of zombies is approaching na ang nagaganap, no choice ka. Kailangang maging mapagmasid, alerto..at maging isang Matanglawin!

“Kuya, penge piso?” – sad face.

“Ito, sampu. Wag ka lang magshashabu. Okay? Oryt!”

“Salamat po.” – beautiful eyes.

“Kuya, sampaguita po.. limang piso na lang po..” – sad face.

“Ito, sampu. Uwi ka na kaagad ha? Baka habulin ka pa ng aso. Nakupu.”

“Hehehe.. salamat po kuya.” – beautiful eyes.

“Kuya—“ – sad face.

“O, ito na lang pera ko. Share na lang kayo niyang kapatid mo ocake?”

“Ano po yung cake?”

“Baso yon na may lamang kasoy. Uwi ka na ha? Gabi na.”

“Thank you poooo” – beautiful eyes.

Big time! Taglish na talaga tong mga batang ito na sa araw-araw na ginawa ng Diyos e hindi pa nahuhuli ng DSWD. In fairness naman sa mga batang ito, noong makita ko minsan na may mag-inang walang pera at natutulog sa bangketa, ayon at namalimos sila, naghanap ng paraan para makapagbigay ng pagkain sa mag-ina.

Papaano ba naman? Pilay yung ale na may katarata ang mga mata . Habang yung sanggol na hawak niya, na  kinakapa-kapa niya e parang buto’t balat. Bulag nga siguro yung ale at isang uod na lang ang hindi pa pumipirma sa katawan ng anak niya. Sa awa ng Diyos, mayroon pa ring mabubuting tao na gumawa ng paraan para tulungan angmag-ina. Kung papaano at kailan? Iyon ang hindi ko alam. Ang sabilang noong minsang napakain ako sa isa sa mga turo-turo doon, tinulungan daw ni Mayor. PInagamot daw. Binigyan daw ng tirahan at trabaho sa isang spa. Malapit na kasi ang botohan non kaya walang dudang totoo yon.
 

ApprenticeWhere stories live. Discover now