Apprentice

238 5 2
                                    

Sabi nila, masarap ang mabuhay.

Masarap ang makausap si Crush kahit may asungot siyang jowa.

Masarap ang mag-videoke kahit bagsak sa exam.

Masarap mangarap ng fried chicken kahit walang laman ang bulsa.

Masarap makakita ng artista kahit pudpod na ang mga kamay sa kakalaba.

Masarap ang umupo habang nakatutok ang electric fan matapos ang maghapong pagtatanim sa bukid.

Masarap ang kumain ng lugaw na binudburan ng asin para maibsan ang gutom at sakit ng sikmura.

Masarap tumawa kasama ang mga kabarkada kahit walang matutulugan.

At higit sa lahat, masarap ang makapulot ng pera lalo na kung wala kang pera pampamasahe. Wag nga lang yung pera na napasama sa pagsesemento ng kalye.

Isa akong manunulat na wala pa ni isang natapos na akda. Pero feeling ko, ito na yung Master Piece na magagawa ko sa tanang buhay ko (cross-fingers). Pasalamat ako kay Lord at binigay Niya sakin ang ganitong pagkakataon na sipagin upang makapagsulat. Sa sobrang pagkamoody ko nalilimutan kong may ginagawa pala akong istorya. Kaya sana talaga kahit isa sa mga mambabasa nito eh may mapulot na lesson dito. EWAN. Di ko pa nga din alam kung anong emosyon ang nais kong maiparamdam ng mga mambabasa once na mabasa nila yung mga bagay-bagay na naexperience ko at nang mga kakilala't kaibigan ko. Di ko din alam kung tama bang ipost ang mga istoryang ito ng buhay ko, mo, at nila na masyadong puno ng aksyon , drama, katatawanan at kababalaghan. Pero syempre, sa pangkalahatan, masasabi pa ring gawa-gawa lang ang lahat. Ika nga eh, it's not you who will be remembered but a piece of you that will make you unremarkable.

Pero sa ngayon, ang istoryang ito na napag-isipan kong gawin out of the blue is about a guy who will tell you on how to appreciate life that you have, had, and having;  Isang lalaking tawagin na lang natin sa pangalang KIMPOY dahil sa mata niyang mala-KIM BUM at height na mala-EMPOY. Pinipilit kong gumawa ng love story na papaiyakin ka sa kakatawa, takot at dahil relate na relate ka lang. Pero ikaw na rin humusga kung anong klaseng kwento meron nga ba ang apo ni Kuya Kim kay Empoy. :)

Live life to the fullest. Just keep on reading. Baka maiba na naman ang istorya. Malay mo istorya mo na pala itong mababasa mo.

Search mo na rin ito sa google dahil yan ang tema ng istoryang ito:

MEMENTOMORI

ApprenticeWhere stories live. Discover now