Chapter 64: Truth

1.6K 34 2
                                    

Hi Pwends!
Salamat sa pagsuporta sa storyqng ito hehe ^_^
I dedicate this chapter to TrishamaeAlmachar and Mariomallarijr. Hehez as promise ^_^ kayo yung first two na nag comment hihi Enjoy!

**************
SEAV'S P.O.V

Aish

Nabato ko yung phone ko sa kama. Hindi niya sinasagot yung mga tawag ko at text ko. Nung pumunta naman ako sa kanila ay wala daw siya.

Kahit na alam kong nandun siya.

Hindi pa alam ng barkada ang tungkol dito dahil hindi ko pa sila nakikita. Gusto kong tulungan nila ako lalo na sina Ics, Pat at Blaire dahil sila ang malapit kay Chloe.

Aiishhh

Napahilamos ako dahil sa nagaalala na ako kay Chloe. Pano kung hindi pa pala siya kumakain? Pano kung hindi pa siya natutulog? Pano kung- urrrggg

Ngayon lang ako nagalala ng ganito. Ngayon lang aishh Dalawang araw na siyang ganyan at bukas ay pasukan nanaman.

Tumayo ako. Pupuntahan ko si Chloe.

Lalabas na sana ako nang...

"Paaarrrdddssss!!!"

Napahinto ako nang marinig ko yung sigaw ni Gray.
Nakita kong papalapit sa akin si Gray at Dave.

"Problema niyo?" Tanong ko

"Ayan ohh tuwang tuwa" tatawa tawang sabi ni Dave.

Ha?

"WAAAHHHH SINAGOT NA AKO NI ICS PARDS!!!" masayang sabi niya at inalog alog ako

"Congrats pards" sabi ko at napaptingin sa pinto dahil nangangati na akong umalis.

"Ikaw? Problema mo? Para kang natatae na ewan ehh" sabi naman ni Dave.

"Tsk m-may problema kasi ehh" sabi ko na nagaalinlangan.

"Ano yun?" tanong nila

Sinabi ko naman yung totoo. Lahat sinabi ko na. Alam ko naman na alam na yung ni Dave ehh yung tungkol sa kasunduan namin ni Chloe. Ang hindi niya alam ay yung tungkol sa malapit na akong umalis para makapag aral na sa ibang bansa.

"G*go ka pards" galit na sigaw ni Gray. "Bakit hindi niyo sinabi sa akin toh? Ina niyo ahh" dugtong niya.

"S-Sorry" sabay na sabi namin ni Dave.

"Tsk tsk ano nang balak mo?" Tanong ni Gray

"I'll talk to her" sabi ko

"Tsk talk? Baliw ka ba? Sinaktan mo yung tao pards. Hindi pa din tama na hindi mo sinabi sa kanya na aalis ka na. Lalo na't mukhang nahulog na siya." Seryosong sabi ni Gray

What? Nahulog?

"What do you mean?" Tanong ko

"When you nod your head yes but you wanna say no. What do you mean?" Patula na sabi ni Dave na binatukan naman ni Gray.

"Umayos ka nga" naka simangot na sabi sa kanya ni Gray at tumingin sa akin. "Tsk manhid mo naman pards tsk tsk para matuto ka hindi ko sasabihin. It's for me to know and for you to find out" seryosong sabi naman ni Gray.

She Met The PlayerWhere stories live. Discover now