Chapter 28: Tim is back!

2.8K 71 11
                                    

ICS P.O.V

"Sge na tol kumain ka na." Pilit sa kanya ni AJ

"Ayaw ko nga" inis na sabi ni Tim.

Tumingin naman siya sa akin at tinignan ko din siya. Nagiwas naman agad siya.

"Iwan niyo muna kami ni Ics please" sabi ni Tim.

Huminga sila ng malalim. Tinignan naman nila ako at tumango naman ako. Lumabas na sila at sinara ang pinto. Umupo ako sa tabi niya.

Walang nagsasalita sa amin hanggang sa mag salita siya.

"Bakit ganun Ics? Ang sakit pala talaga haha na ipag palit ka ng taong mahal mo sa iba. May nagawa ba akong mali? Ginawa ko naman lahat para sa kanya ahh Binigay ko lahat pero... b-bakit niya ako i-iniwan? Ilang beses na akong humingi ng isa pang pagkakataon sa kanya pero ayaw niya na talaga. May mali ba sa akin Ics? Sabihin mo naman ohh para mabago ko. Para bumalik na siya sa akin." Sabi niya habang umiiyak.

Tsk hindi ako magaling sa ganito pero sge tsk -.-

"Hmm Alam mo kasi Tim. Kaya hindi nagkakatuluyan o nag bre break ang isang couple hindi dahil sa nagkulang ka o dahil sa ewan... dahil yan sa Hindi talaga kayo para sa isa't isa. Sabi nga nila diba? 'The right person for you will come at the right time' hindi lahat ng bagay minamadali Tim. Hindi ka nagkulang. Para sa akin wala ka namang problema ehh kasi ginagawa mo lang naman yan para sa future mo o sa future niyo. Hindi mo kailangang baguhin ang sarili mo para mahalin ka ng tao dahil kung mahal ka din niya. Tatanggapin ka niya ng buong buo." Sabi ko. Nakatungo pa din siya.

"Always remember Tim that NEVER force yourself to have a space in anyone's life because if they really know your worth, they'll surely create one for you." Dugtong ko.

"Sususko nalang ako Ics? Ang hina ko naman nun tsaka kaya ko pa naman ehh kaya kong maging bulag para sa kanya." Sabi ni Tim.

"Look Tim. Matuto kang tumigil kapag nasasaktan ka na. Kaya ka nga pumasok sa isang relasyon para maging MASAYA hindi para maging TANGA" seryosong sabi ko.

"Tsaka always remember that GIVING UP doesn't mean you are weak....... sometimes it means that you are STRONG ENOUGH to let go." Seryosong sabi ko sa kanya.

"T-Thank you Ics. Sa pagpapalakas sa loob ko." Nakangiting sabi niya.

Hayy salamat naman ngumiti na din -.-

"Tsk ang drama mo ahh" sabi niya

"Hehe saan mo hinugot yung mga advices mo Ics?" Pabirong tanong niya sa akin.

"Ewan ko din ehh" sabi ko at sabay kami tumawa.

Lumabas na kami.

"Yooooonnn!!!!" Hirit ng kambal

"Your back Tim" nakangiting sabi ni Rex

"PREEE WALANG HIYA KA! NAG ALALA AKO SAYO! TAPOS SINUNGITAN MO LANG AKO? TAPOS SI ICS PA PINILI MO? SHETNESS BREAK NA TAYOOO!!" Pabiron sabi ni AJ

"Hahaha sorry sa inyo ahh promise papasok na ako bukas at babawi ako." Sabi ni Tim at tumingin sa akin. Nginitian niya ako at nginitian ko din siya.

"Tama na yung kakatingin mo kay Ics oyy Kumain ka na." Naka simangot na sabi ni Rex.

"Yiiieee NAG SESELOS ANG LALAKI" Pang aasar sa kanya ni Kev

She Met The PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon