Chapter 4: Real Ics

4.5K 123 7
                                    

GRAY P.O.V

Umupo na sila sa upuan nila. Tahimik na sa loob ng canteen. Pagmaguusap sila bulungan lang.

"Anyare? Parang may dumaan na anghel ehh biglang tumahimik" bulong ni pards Dave

"Pwedeng maki share? wala nang upuan ehh" Johann

"Sure" kami

"Thanks" Johann at umupo sa tabi ko.

"Bili lang ako ng pagkain" ako

Tumayo na ako. Naglakad na ako sa bilihan ng pagkain pero sa kalagitnaan ng paglalakad ko.

"Wtf?" Ako

"S-sorry po Hindi ko s-sinasadya" sabi nung nerd na babae.

Teka Si Michel to ahh tsk

Natapunan lang naman ako ng suka. Sht ang baho

Kumuha siya ng panyo at pinunasan ang damit ko

"Tangna wag mo nga ako hawakan ang dumi dumi ng kamay mo. Sht ka dinumihan mo yung damit ko. Alam mo bang mas mahal pa ito sa buhay mo?" Inis na sabi ko sa kanya at kinuwelyohan siya.

"S-sorry na g-gray" nauutal at puno ng takot na sabi niya

"Sorry? Tingin mo malilinis ng sorry mo ang damit ko? Pati pala sapatos ko sht" sabi ko habang nakatingin sa sapatos ko na basa.

"B-babayaran ko n-nalang p-po" Nauutal na sabi niya

"Babayaran? Balita ko Hindi pa bayad ang enrollment mo dito.Papansin. Pano mo ito mababayaran kung mahirap naman kayo? HAMPASLUPA!" inis na sabi ko

Umiyak naman siya. Marami nang tao ang nakapaligid sa amin. Well kasalanan niya naman to ehh

"Sa tingin mo ba sisikat ka na dyan sa ginagawa mo?"

Napatingin ang lahat sa babaeng cold na simpleng nakaupo at kumakain. Nakatingin lang siya sa pagkain niya.

Natahimik ang lahat ng magsalita siya. Si Michel naman nakatungo lang at umiiyak ng tahimik.

Si Pat nanonood lang. Si Chloe naman masayang kinakain yung carbonara niya.

"Okay ka lang?"

Napatingin ako kay Michel na meron ng limang lalaking kasama.

"Dude masyado ka naman atang PAPANSIN para gawin toh" sabi nung naka pamulsa.

"WHAT? SINO BA KAYO?" inis na tanong ko

"I'm Thimothy Villegas. Student Council Secretary" naka cross arms na sabi niya. Napahinto naman ako. Mga SC sila.

"I'm Adrian Jay Smith. Student Council Treasurer." nakangiting sabi niya.

"I'm Kevin Uy. Student Council Peace Officer #1" nakangiting sabi niya

"I'm Kendrick Uy. Kambal kami ni Kevin. Student Council Peace Officer #2" naka smirk sabi niya.

"I'm Rex Sebastian. Student Council Vice President." Seryosong sabi niya sa akin.

"And last" sabi ni Adrian habang nakatingin sa likod ko.

Napatingin naman ako at nakitang nakatayo na si Ics at nakatingin sa akin.

"I'm Irish Celine Sky Natividad. The Student Council President. I give you the warning #1 because of the scene and the shame you gave to Ms. Michel Poe. Wag mo nang paabutin pa ito sa Warning #3 Mr. Ralph Gray De Guzman or else." cold na sabi niya at umalis na.

She Met The PlayerWhere stories live. Discover now