Special Update #2: XNUT

20.3K 425 35
                                    

Special Update #2: XNUT

[HAZELNUT's PoV]

Partey-partey na!

After ng wedding ceremony, nag-change outfit kami ni CJ. Lighter dress and suit na ang mga suot namin nung bumaba na kami sa isa sa mga hall nitong hotel para sa dinner reception.

Ang ganda ng ayos nitong hall. Sosyalin ang dating with those tables and chairs and stage and flowers and lightings. Sosyalin din ang mga pagkaing nasa may buffet table.

Nakakagutom. Pero wala akong ganang kumain! Kuntento na akong nakaupo sa tabi ni CJ dito sa puwesto namin na pang-aming dalawa lang. Siyempre may espesyal na puwesto kami kasi kami ang mga bida rito--kami na newlyweds.

Yakap-yakap ko ang braso ni CJ habang nakapahinga ang ulo ko sa balikat niya. May sarili kaming mundo rito. Todo kuwentuhan lang kami tungkol sa kung anong mga ginawa namin sa loob ng mahigit bente-kuwatrong oras na hindi kami nagkita at nag-usap.

Si CJ, sobrang hindi raw mapakali kahapon. Dahil nga raw dun at nakahithit siya ng isa't kalahating kaha ng yosi! Grabe talaga 'to! Buti pa ako, natulog lang maghapon kahapon.

Maya-maya, napunta ang topic namin sa mga bisita na nakikita namin ngayon--mga bisita na sarap na sarap sa pagkain, pagkukuwentuhan, at pag-eenjoy sa musikang tinutugtog ng six-man orchestra sa stage. Hindi ganun karami ang mga bisita namin dahil ang mga inimbitahan lang namin ni CJ ay ang mga kamag-anak at malalapit naming mga kaibigan.

"'Yung tatlong pusher oh, umaaligid kay Shaider!" Tinuro ko ang mga baliw kong bridesmaid na kung kumilos ay parang mga predator sa gubat. "Kapag si Shaider biglang nawala, alam mo na. Isa sa tatlong 'yan ang kidnapper!"

Natawa si CJ at inabot ang champagne glass niya.

"You still call Alexis Shaider huh?" Tanong niya bago uminom.

"Mas bagay kaya sa kanya ang pangalang Shaider! Ay, ay--si Matandang Dalagang Supervisor 'yun ah?! Ah ibig kong sabihin, si Miss Santiago?!" Gulat ko namang naituro ang dati kong supervisor sa steak house nina CJ. "At-at-at b-buntis siya?!"

"Ah, yeah. Hindi mo ba nabalitaan? Last year, kinasal na siya kay Sir Wil."

Naestatwa ako.

Una, hindi ko matanggap na inunahan niya akong magpakasal. Pangalawa, puwede pa pala siyang magbuntis?! At pangatlo, talagang kinarir niyang dalehin ang dating guard namin sa steak house ah!

Ay grabe. Naubos yata bigla lakas ko sa mga nalaman ko tungkol sa dati kong supervisor.

Para makapag-recharge ako, inamoy ko na lang ang sleeve ng suit ni CJ.

Hmmm, ang bango niya. Ang sexy at ang manly ng amoy. Nakakagigil. Gusto ko na tuloy kagatin 'tong braso niya.

"Babe, ayaw mo ba talagang kumain?" Huluh. Na-sense ba nitong si CJ na gusto ko siyang kagatin?

Umiling ako. "Ayokong kumain. Eh ikaw?"

"Ayoko rin."

Tinignan ko siya. Tumingin din siya sa'kin. Nagtitigan kami. Tapos... sabay kaming natawa. Huluh kami!

"Daddyyy!" Si Andy beybe, tumatakbong lumapit sa'min. Ang likot talaga ng batang 'to. Mukhang kanina pa siya patakbo-takbo dahil pawisan siya. Siguro nakakalaro niya rin 'yung ibang mga bata na anak ng mga pinsan ni CJ.

MORE CRAZY MOMENTS!Where stories live. Discover now