Special Update #3: XNUT

27.3K 479 104
                                    

Dedicated kay Mareng Gie <3 Belated happy birthday, mare! Labyow <3 ;)

-----

Special Update #3: XNUT

[HAZELNUT's PoV]

"Good morning, babe."

Pagkadilat na pagkadilat ko, dibdib ng asawa ko ang unang-una kong nakita. Nakadapang nakayakap siya sa'kin kaya naman pati ang body heat niya ay ramdam na ramdam ko. Eh enebe? Umagang-umaga, nang-aakit 'to.

Pero, paano na ba... Parehas na kaming gising tapos ganito pa kami sa kama... 'Di kaya puwede na kaming mag... m-mag...

Ahhhh!

Kasabay ng pagsigaw ko mentally ay ang pagsiksik ko pa sa katawan ni CJ.

CJ! Simulan mo na! Daliii...

"Wake up now, babe." Dahan-dahan namang dinampi ni CJ ang mga labi niya sa pisngi ko, then sa gilid ng isang mata ko, then sa noo ko. Homaygad. Ito na 'yun eh! "Ten o'clock na." Dagdag pa niya bago muling dinampi ang mga labi niya sa ilong ko, then--

"T-Ten na?!" Napabangon ako bigla nang sabihin niya kung anong oras na.

Gulat siyang napatitig sa'kin. "Uh, yeah... Ten na..." At mula sa mga mata ko, dumako ang tingin niya pababa sa katawan ko.

Napayuko ako para matignan din ang katawan ko. Hmm... okay? Ang suot ko pa rin naman ay 'yung sizzling red nightie na sinuot ko kagabi--na ngayon ay nakabagsak ang isang strap sa kanang balikat ko at sa iksi nito ay kitang-kita na ang flawless legs ko.

Homaygad. Ang seductive much ko lang! So much to the point na naaakit na rin ako sa sarili ko. Eh paano pa kaya ang asawa ko 'no?

Binalikan ko ng tingin si CJ, na saktong binalik din ang tingin sa mga mata ko.

Gulay. Kung makatingin naman ang mga mata niya! Alam niyo 'yun--malagkit! Sa lagkit eh gusto ko nang idikit ang sarili ko sa kanya. Pero hindi puwede! Hindi, dahil may mas gusto akong mangyari ngayong araw at ayun ay ang makapunta kami sa honeymoon destination namin, which is sa Subic!

Personal choice ko ang honeymoon destination naming 'yun na hindi naman tinanggihan ni CJ. Kasi naman, hindi na kami nakabalik pa roon kahit isang beses lang. Eh gustung-gusto ko talagang ma-experience na mag-swimming dun--at muling makita ang mga naging kaibigan ko dati na mga dolphin at sea lion.

"CJ!" Sigaw ko bigla na ikinagulat ulit niya. "Bumangon ka na! 'Yung sea lion at dolphin show, baka 'di na natin maabutan!" Hinatak ko siya sa kamay at nagpahatak naman siya paupo.

Pagkaupo ni CJ, ngumiti siya nang nakakaloko--sabay tulak sa'kin pahiga at puwesto sa ibabaw ko. Homaygad!

Na-speechless ako. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko habang nakatitig ako sa mga mata niya na... uhm, puno ng pagnanasa? Homaygad ulit!

"Five minutes," bulong niya pagkadikit ng mga ilong namin.

Five minutes na ano? Gusto ko sanang itanong pero hindi ko magawa dahil sa bonggang pagwawala ng naglalandi kong puso. T'saka obvious naman na dibeh? Ngayon siya babawi sa pagkabitin niya sa'kin kagabi.

Ngumiti na lang ako at pinalupot sa leeg niya ang mga braso ko. Ngumiti rin siya, bago inilapat ang mga labi niya sa mga labi ko at marahan akong sinimulang halikan.

Five minutes huh... Alam ko hindi sapat ang five minutes sa gagawin namin. Wala na rin akong pakialam kung hindi na namin maabutan 'yung dolphin at sea lion show sa Subic. Ito na muna ang priority ko--ang first morning namin ng asawa ko.

MORE CRAZY MOMENTS!Where stories live. Discover now