Special Update #1: XNUT

28.8K 517 44
                                    

N O T E : Nangyari ang story nito 'almost' one year after ng PB and XNUT Epilogue. Okay? Okay! :3

---------------------------------------------------------------------------------------------------

Special Update #1 - XNUT

[HAZELNUT's PoV]

Bakeeet?

Bakit ang ganda-ganda ko?

Nakaharap ako ngayon sa isang napaka-bonggang tukador at magkakalahating oras na rin akong project nang project at pose nang pose sa tapat ng salamin nito. Ang ganda-ganda ko nga kasi! Aliw na aliw ako sa itsura ko!

Tignan niyo, perfect na perfect ang make-up ko ngayon. Perfect na perfect din ang ayos ng buhok ko--naka-messy bun with glittery clips. At higit sa lahat, perfect na perfect sa akin itong suot ko na wedding gown! Simple at may pagka-conservative ang disenyo nito pero nang maisuot ko na 'to, aba! Naging elegante ito at napaka-sexy sa paningin!

Lumapad ang ngiti ko sa napakaganda kong repleksyon sa salamin. Ka-suwerte naman kasi ni CJ sa'kin. Maganda na, sexy pa!

Pero ah...

Mas masuwerte ako kay CJ...

Napakatinong lalaki ni CJ eh--oh, exception nga lang ang bisyo niya na paninigarilyo. Pero puwera ro'n, almost perfect na siyang maituturing. Napakabait ba naman niya, super maalaga at uber pasensyoso.

Bigla akong napabuntung hininga. Nami-miss ko na kasi sobra si CJ. More than 24 hours na kaya kaming hindi nag-uusap, nagtetext at nagkikita nun. Lechugas naman kasing mga wedding beliefs meron ang pamilya namin. Kesyo 'di raw talaga kami puwede magkita o mag-usap a day before nung wedding ceremony kasi chuchuchuchu raw. Tss.

Pero okay na rin 'yun ah. Kasi for the first time, nakasama kong matulog sa iisang kama sina Papa at Mama. At hindi sila nag-away magdamag ah! Puro kuwentuhan lang kami kagabi, hanggang sa makatulog ako nang yakap-yakap nila ako pareho. Feeling ko nga, naging baby nila ako ulit.

"Ate Hazel," Si Adrian, kumatok sa pinto nitong hotel room na tinutuluyan ko. Nung marinig ko ang boses niya, kumunot nang bongga ang pagmumukha ko. "Puwede pumasok?"

"Heh! Bawal mga playboy dito!" Sagot ko. Kailangan ko siyang ipagtabuyan dahil paniguradong maninira lang siya ng araw.

Pero pasaway talaga siya! Binuksan niya pa rin 'yung pinto at pumasok dito with matching malapad na ngiti! "Sabi mo, bawal ang mga playboy dito. Eh hindi naman na ko playboy. Isang loyal husband at proud father of two na kaya ako." Dahilan niya pa.

Hindi naman na ko nakaangal, pero nakasimangot pa rin ako sa kanya. Aaminin ko, totoo ang mga sinabi niya. Isang loyal husband na nga siya kay Chelle, at very very proud father sa dalawa na nilang anak. And in fairness ah, napaka-guwapo ng pinsang kong ito ngayon sa suot niyang black suit. Parang gusto ko tuloy siyang bugbugin.

"Ah, nga pala Ate Hazel, may bad news ako sa'yo," nawala ang ngiti ni Adrian kasabay ng pag-upo niya sa kama ko. Hindi naman nawala ang simangot ko sa kanya dahil alam kong nambabadtrip lang siya. "Sorry ah, Ate, pero si CJ kasi, nagback out na raw sa kasal niyo."

Seryosong nakatitig sa'kin ang singkit niyang mga mata, habang ako eh naka-kunot noo pa rin sa kanya. "Sawa ka na ba sa buhay mo huh, Adrian?"

Natawa siya nang malakas. "Ang panget mo, Ate Hazel! Itsura mo ngayon oh! Para kang 'yung mga bride na multo sa mga horror movie na galit at gustong maghiganti!"

MORE CRAZY MOMENTS!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon