Why?

68 5 9
                                    

Araw-araw pakiramdam ko lagi akong naliligaw

[Why?]

Haist. Nagpapasalamat ako sa Eyebags ko at siya lang ang nakuha ko mula sa paghihintay ng text ni Duo. Oh wait, bakit ko nga ba hinihintay ang text niya kagabi? Siguro dahil nitong mga nakaraang araw lagi ko siyang katext kasi nagsend ka ng gm. Shunga ka talaga Mash! Hindi ka naman nagtext sa kanya para hintayin ang reply niya.

Haaay buhay nga naman, misman tanga at minsan ay mali, kadalasan nagpapakatanga.

Nasa tapat na ako ng school nang marinig ko ang usapan ng mga nakakasabay kong estudyante

“Girls, narinig niyo yung balita?”

“Oo naman, break na daw sila”

“Kasalanan dawn g babae”

“May kasalanan din yung lalaki”

Err, dalian mo na lang nga ang paglalakad Mash, kita mong malelate ka na sa first subject mo makikinig  ka pa sa tsismis. Nagtuloy-tuloy na lang ako at pagkarating ko sa room naming, kamuntik ko ng mai-untog ang ulo ko sa pader, isang linggo nga pa lang wala ang instructor namin sa SCOSCI at puro reporting lang ang iniwan niya, tapos ko naman din yon.

Kaya ‘yan tuloy, nagsisisi ako ngayon kung bakit hindi ko pa tinapos ang pakikinig ko ng tsismis. Haist! Bakit ba ako interesadong malaman kung sino yung minalas na couple na nagbreak? Itutulog ko na lang nga itiong kalokohan ko.

Pero, nung ibabagsak ko na ang ulo ko sa desk ko dun naman may tumawag sa akin. Wow. Good timing -_____- .

“Mash”

Paglingon ko naman si Geo pala. Lumabas ako sa room namin para tanungin kung anong gusto niya nang unahan na niya ako sa pagsasalita.

“Mash, sa Arts room lang muna kami tatambay”

“Bakit may problema nanaman sa Music Room?”

“Sumabog kasi yung isang outlet dun then sabi ng maintenance aayusin lang muna nila at baka matagalan”

Pagkasabi niya nun, sinamahan ko na siya sa Arts room at kapag nga naman tinopak ka at nakalimutan mong mas baliw ang mga lalaking ito—

“Nakakatawa din kayo noh?” sarcastic kong tanong

“Oh bakit?” tanong ni Set

“Che! Nagtanong pa kayo kung pwedeng dito muna kayo tatambay eh nakapag-assemble na kayo ng mga instrument”

“Yan ang tinatawag na boyscout, nga pala where’s Babe?” Ethan

“Boyscout your face, may subject siya sa BUSCOM ngayon”

“Oh I see”

“Maiwan ko na kayo, may pasok pa kasi ako sa Geo” and then iniwan ko na sila doon. Ewan ko kung bakit parang naewan ako ng hindi ko Makita ang gusto kong Makita.

“kahit sulyap lang ng ngiti niya okay na ako” naibulong ko sa sarili ko pero madali ko ding binawi “Ay wag nap ala, kailangan kong gumalaw mula sa pagkakastuck ko” Oo, sabihin niyo ng baliw ako at kinakausap ang sarili ko

-------

Nang matapos na ang mga subject ko, dumiretso na ako sa Arts Room dahil tatapusin ko pa yung pinapagawa ni Ms. Vivian sa akin. Pero pagkarating ko dun hindi ko naman inaasahan na nandun siya.

Dugdug. Dugdug

Kung pwede lang sana hablutin yung puso ko tapos ihahagis ko sa dagat at nang kainin na ng mga pating itong feelings ko sa kanya. Gaano ba katagal ang magmove-on?

Hindi naman niya ata pansin ang pagdating ko dahil busy siya sa pagpapractice ng song, kaya dumiretso na ako sa isang corner kung saan ko sisimulan ang naudlot na pakikipaglaban ko sa Artwork na pinapapagawa ni Ms. Vivian

♪♫ Nalulungkot, nayayamot, nagmumukmok

Hindi ko pa yata kaya pang

Labanan ang damdamin ko ♪♫

Habang ginagawa ko ito, kumakanta naman siya. Sa totoo lang napapangiti ako dahil naaalala ko yung dati na hindi pa naganap ang Mini Concert. Dahil negatron itong utak ko ay, heto sinesermunan na ako. Ano ba Mash!, sabi move on ano tong ginagawa mo? Nagpapakasadista? Err, ilaglag kita sa Canal eh

Haay, kung sanang ganoon lang kadali ang pagmomove-on, kung sanang isang tulugan lang, isang patak lang ng luha pero tae naman eh, ang pagmomove-on ay isang bangungot ang hirap gumising, at yung patak ng luha parang dagat hindi maubos-ubos

“MASH!!”

“AYY BUTIKI!!” kamuntik ng tumilapon ang puso ko doon, “Bakit ka kasi nanggugulat?!” sigaw ko sa kanya

“Kanina pa kita tinatawag hindi ka naman lumilingon”

“…”

“Busy ka at nitong mga nakaraang araw, nihindi ko na nga maalala yung last time na nagkausap tayo”

Oo, busy ako. Busy akong makahanap ng paraan para makamove-on pero tinubuan na nga ata ako ng balat sap wet at hindi ka pa mawala-wala sa pesteng pusong ito.

“Oo naging busy ako lately, may pinapatapos kasi si Ms. Vivian”

Great. Idaan sa kasinungalingan ang excuse

“Ha. Pansin ko close na kayo ni Duo”

“Oh? Bakit selos ka?” nagawa kong makipagbiruan ha? Pero bwisit na tadhana yan, biglang dumating si Duo at natahimik kaming dalawa. Bigla akong kinabahan

Dugdug. Dugdug

Dugdug. Dugdug

Doble ang bilis ng pagtibok nitong pusong ito. Ayy! Ano ka bang puso ka?! Tumigil ka sa pagtibok at nang madedo na ako. Bumalik na mula sa pagkakaupo si JL at hindi pa din naaalis ang tingin ko kay Duo at siya naman ay nakatingin lang sa Pader habang nakikinig sa Headset niya.

Bakit…

Parang nakakalungkot?..

Lost [Now Found]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon