Am i Really LOST?

93 5 3
                                    

Am i really LOST?

Sabi nga nila lahat ng mga nangyayari ay may dahilan, kung sarado ang isipan mo ngayon, hindi mo pa malalaman pero darating ang araw na mauunawaan mo rin kung bakit nangyari iyon. Sana sa mga panahong iyon, hindi pa huli ang lahat.

[Mash]

"Please be my date tonight, wala akong kilalang ibang babae. wala kang karapatang tumanggi, susunduin kita mayang 7pm, sharp 7pm bye."

kapag nga naman minalas ka, doble este triple pa ang makukuha mo. Takteng Duo yan, wala na sana akong balak umattend sa mini concert slash party ng head dahil duguan pa ang puso ko.

"Haay, buhay nga naman.." naibulong ko na lang sa sarili ko

♪♫ Ikaw lamang ang aking minamahal

Ikaw lamang ang tangi kong inaasam ♪♫

Duo calling...

"Hel--"

(I'll be there after 5 minutes)

Toot toot

Argh! wala na akong pag-asang makatakas sa lalaking iyon, pero paano nga naman pala ako makakatakas e ready na ako sa party, nakabihis at nakapag-ayos na nga ako T^T.

After nga ng 5 minutes dumating na siya , lumabas na din ako at 

"D-duo?" tanong ko sa lalaking nakatayo sa harap ng kotse

"Ayy sorry po ma'am nasa loob po si Sir Duo" bigla naman bumukas ang isang pinto ng passengers seat at lumabas ang di matimplang pagmumukha ni Duo

Nagpeace sign na lang ako at sumakay na sa kotse dahil ilang pa din ako kay Duo hindi kami nag-uusap maliban na lang kung mangunguna siya kumausap sa akin tulad ngayon.

"Handa ka na ba?"

hindi ako sumagot

"Anong klaseng tanong malamang ready ka na, nakabihis ka na nga at nakapag-ayos. Bagay sayo"

"Hindi, hindi pa ako handa"

"Ha?"

"Siguro nga naka-ayos ako, siguro nga nakabihis ako, siguro nga bitbitbit ko ang mga ngiting ito pero panlabas lang iyan, Duo dahil hindi naman sa isang luha lang mahihilom na yung sakit dito" turo ko sa puso ko

"Bakit kung iiwas ka mawawala ang sakit na 'yan?" yumuko ako ng marinig ko ang sinabi ni Duo, tama naman siya wala naman akong mapapala kung iiwas ako

"Sige nga Duo, ano bang dapat kong gawin?" tumahimik lang siya hanggang makarating kami sa school kung saan gaganapin ang mini concert at ang party ng head. Bago kami pumasok sinagot pa niya ang tanong ko

"Open your eyes as well as your heart" sagot niya habang nakatingin sa harap ng school at inilahad ang kamay. Ngumiti ako at inabot ang kamay niya.

"kaya mo bang ngumiti?"

"bakit hindi?"

"Sige, tututukan kita until the concert end"

"Ano kita bodyguard?"

"No escort for now but.... in the future"

"Ano kamo?"

"Maiwan na kita, magsisimula na maghahanda na ako. bye" then iniwan niya ako sa isang sulok kung saan madali lang matanaw ang mga magpeperform

"Ehem ehem!!"

"Kahit hindi ako lumingon alam ko kung sino yang boses palakang---"

"Ito naman naBROKEN HEARTED lang nanlalait na?"

"Kailangan talaga ipagdiinan? Tigilan mo nga ako Ris, naguguluhan ako"

"Masakit?"

"Di, umiyak ako eh"

"I know, Mash but i have one question"

"Oh?"

"Why you're with Duo?"

"Escort?"

"Why?"

♪♫ 1-2-1-2-3-4

Give me more loving than I've ever had

Make me feel better when I'm feeling sad ♪♫

Bakit nga ba? Ewan ko din, tinotohanan naman ni Duo ang pagtutok sa akin. Pero hindi ko naman maiwasang mapalingon kay JL, dahil hindi naman ganoon kadaling makalimot lalo na kung yung bagay o taong gusto mong makalimutan ay mahalaga sayo

♪♫ Tell me I'm special even though I know I'm not

Make me feel good when I hurt so bad

Barely getting mad ♪♫

open your eyes as well as your heart

pero kapag minulat ko ba ang mga mata ko'y handa na rin bang bumukas ang puso ko? sana mahintay mo pa ako, sana Duo

Natapos naman ang concert ng maayos, kasabay ang paepal na announcement ng head at tulad din ng inaasahan hindi maiiwasan ang pagkikita namin ni ---

"Mash!" tawag niya sa akin, lumingon ako para harapin siya atpilit na ngumiti

"Uy JL!"

"Ang ganda mo ngayon, bagay nga kayo ni Duo"

"Mash!" napalingon naman ako sa kaliwa ko kung saan nandoon si Duo na nakatitig sa akin ng diretso, hindi rin nagtagal at tumalikod siya at naglakad palayo sa kinatatayuan niya.

Du-duo bakit?

wag mong sabihing iiwan mo lang ako dito? diba sinabi mong tututukan mo ako.. 

"DUO!!!!"

Lost [Now Found]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin