Chapter 2: Partner

3K 147 53
                                    


Chapter 2:


Aubrey Sarmiento:



She's right! That guitar case is mine. Kinuha ko kay Gean ang cellphone niya at binasa ang nakasulat sa shoutout post na iyon.



Shoutout nga pala kay Miss Mysterious Voice. Ang ganda po ng boses niyo kaya na-in love sa iyo si Flynn. Magpakita ka daw sa kanya, nasa kanya ang guitar case mo.

-Gwapong Kanang Kamay ni Flynn



Nanlaki ang mata ko. Sino naman si Flynn? Paano ko makukuha ang guitar case ko? Napakamahalaga sa akin ng guitar case na iyon dahil may sentimental value sa akin 'yun pero ayoko naman magpakita sa Flynn na 'yun. Mabuting nakatago na lang itong talent ko kaysa may makaalam na iba. Baka sabihan pa nila akong nag-black magic lang ako.


"You are lucky, Aubrey! Campus Mr. Ideal Man ang naghahanap sa iyo. Paano na iyan, gusto ka makita ni Flynn? Makikipagkita ka?"


Umiling ako. "Hayaan mo na sa kanya 'yan." Labag man sa loob ko na hayaan sa taong iyon ang guitar case ko, wala na akong magagawa pa. Ayokong mahusgahan. Mahirap talaga mabuhay sa mundo na puno ng taong judgmental. Bumuntong hininga ako. May bagong post sa Serafine Secret Files. Nanlaki ang mata ko. "No way!"



It's time to search!

Searching for Ms. Mysterious Voice

If you have a beautiful voice then maybe you are the lady we searching for.

The search for mysterious voice starts NOW!



Nabitawan ko ang cellphone ni Gean. Anong ginawa kong masama para hanapin ako ng taong iyon? May pa-search for Ms. Mysterious Voice pa silang nalalaman.


"Aubrey naman! Bakit mo hinulog ang cellphone ko? Mabuti na lang hindi nasira ang screen, nagpapasalamat pala ako sa tempered glass ng phone ko." Hinila na niya ako papasok ng Filipino room. Filipino subject na pala kami. Boring naman.


"Nahuli na naman kayo, Binibining Bautista at Binibining Sarmiento." Bungad sa amin ng teacher namin na si Sir Dimaculangan.


"Sorry po, Sir." Nag-bow si Gean while me ay wala lang. Nauna na akong pumunta sa designated seat ko. Ganoon na rin ang ginawa Gean.


As usual, wala na naman ang katabi ko. Okay lang iyon, wala rin naman akong pakialam sa kanya. Ni hindi ko nga kilala kung sino ang katabi ko. Maski kaklase ko ay hindi ko masyadong kilala.


"Bakit ganyan ang iyong suot, Binibining Sarmiento? Bakit ganyan ang labi mo? Kulay itim? Nagmumukha kang adik sa kanto."

When A Witch Fall In Love ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon