Chapter 10

297 11 10
                                    

Hi, roseaycochovidal!

***

Third Person's POV

Hindi mapigilan ni Kate na mainis ng lumapag ang eroplano sa Lio Airport. Heto siya't kailangan mag commute papuntang El Nido kase nasira ang van na dapat ay rerentahan ng team ng foundation para sa byahe.

Oo, siya ang ipanadala ng kompanya ng ama niya katulad ng napagkasunduan sa charity event. Syempre hindi kasama ang kapatid niya kase nandun lang namin palagi sa Maynila 'yon para magbantay sa girlfriend nito.

Kung hindi lang talaga para sa mga bata ito ay talagang hindi siya pupunta. Idadagdag na lang niya sa listahan ang El Nido sa mga lugar na dapat ay pupuntahan niya kasama si Tom.

Si Tom...

Magdadalawang taon na rin simula ng mawala ito. At hanggang ngayon ay hindi niya parin makita ang direksyon ng buhay na tatahakin niya. Planado na lahat kasama ang asawa niya, at ngayon ay wala na siyang makitang tama sa lahat ng ginagawa niya. Iniisip niya na baka itong charity event ang makakasalba sa kanya.

"Walang masama kung ngingiti ka muna ngayong araw."

Ito ang natanggap niyang mensahe mula kay PJ bago paman siya nakasakay ng bus. Oo. Sasakay siya ng bus para makarating s'ya sa kung sa'n siya dapat pumunta. Hindi naman siya natatakot pagsamantalahan o abusuhin nitong taxi driver. Minsan kase nasa kung paano mo irespeto ang iba para mabigyan ka ng respeto. Nasa pa'no ka magtiwala para ika'y pagkatiwalaan.

Alam niya na mahaba pa ang biyahe na tatahakin niya. At natatakot siya na ang memorya ni Tom ang bumabalik sa isip niya.

Ang pinakamahirap na bagay sa mundo ay ang maiwan. Hindi mo aakalain na hanggang 'doon na lang pala talaga. Gusto mo'ng lumaban pero kamatayan at tadhana na ang kalaban mo. Gustohin mo man ng isang pagkakataon na kahit limang segundong pauli-ulit lang, hindi ka na mapagbibigyan pa ng mundo.

Minsan nga naisip niya, wala naman kaseng masakit sa paghihiwalay ng dalawang tao. People who happened to get broken after a relationship never hurts at all. Naghiwalay kayo kase may rason, naghiwalay kayo ngunit may pagkakataon ka pa na gawin lahat para mabalik ang pag-ibig.

Ngunit ang mawala ang taong mahal mo ay isang bagay na wala ng pagkakataon pa sa kasalukuyan. Pagkakataon na hanggang 'sana' at 'ulit' na lang lahat.

Kung may pagkakataon ay gusto niyang umulit ng umulit ng umulit sa mga pagkakataon na hindi na mauulit pa.

***

Napadpad ang mga paa niya sa dalampasigan ng El Nido. Truly this place is next to safe haven. Wala siyang makitang mali sa lugar na ito.

Sakto naman'g dumating ang mga panauhin nilang mga bata. Hindi niya mawari ng ang nararamdaman ng makita niya ang mga ito. They all look so innocent and it seems that they are no longer fascinated by the beautiful ocean, only to be fascinated by the people around them.

This program is meant for the welfare of these kids. Tamang edukasyon at kalinga para sakanila.

Lumapit na siya sa mga ito at isa-isang kinumusta. Naku! Gusto niya rin ng bata. Pangarap niya rin'g magkaanak. Ngunit kung hindi man yun maibibigay ay gagawin niya ang mga programang tulad nito.

They will be given 5 children each to know their roots, visit their home, and suggest assistance. Nasa kanya na ang limang mga bata na kanina pa niya kinakausap.

"Okay, everyone. Since we aren't familiar with the place, there'll be some officers who will be with you. They are waiting outside. Enjoy, guys. God bless." Saad ng babaeng natatandaan niyang host ng charity event noong isang araw. Mas mabuti na rin ito at may kasama sila kung saka-sakaling may aberya.

The Loving AgentWhere stories live. Discover now