Chapter 3

459 21 7
                                    

Hi, Ella Nicolas Sparks!

***

Third Person's POV

Kanina pa aligaga si Kate sa paghahanap sa engagement ring niya na bigay ni Tom, parang nawala bigla sa isip niya na hindi niya na pala ito suot.

Sinubukan niyang hanapin ito sa banyo ngunit hindi naman niya ito makita. Maging sa kobre kama niya o sa sala.

She was devastated to sit down and realized she lost it. Maya-maya pa'y tumunog ang kanyang telepono.

"Kate?" It was the voice coming from the landline who talked first. Hindi siya nagkakamali, ang bestfriend niya ang tumatawag sakanya.

"Mella." Malumanay na sagot niya rito. Paano ba't hindi parin niya matanggap na nawawala ang engagement ring niya?

"What happened to you? You sounded so lonely?" Mella asked. Mella's her friend since high school when they both studied at Melbourne. She's a pure pinoy too like her. They were just too blessed to have a wonderful life. May kaya pareho ang kanilang mga magulang kaya sa ibang bansa sila nag-aaral. Mella's father owned Son Miguella Corp. while she's the only daughter of the famous billionaire and businessman Mr. Eduardo Zobel.

"..." she refused to answer and sighed inwardly.

"Hoy, Kate! Ano ba'ng nangyayare sayong babae ka? Simula nang nakita kita sa party ni Mr. and Mrs. Chang na may kasayaw na gwapo'y hindi ka na rin nagpapakita saken?!" Mella exclaimed. Nanlaki ang mata niya sa pagkabigla nang malaman na may alam pala ito kay Ini... nevermind.

"I'm fine... it's just that─" Hindi man lang siya pinatapos ni Mel at nagsalita na naman ito.

"It's just what? Si Tom na naman? Yung kaso na naman niya na pinaiimbestigahan mo? Tigilan mo na nga yan, Kate! He's gone and its an accident!" Pangangaral ni Mel sakanya.

"Tama ka... wala na siya. Pero kung gusto ko ma'ng gawin ang lahat ng 'to, wala ka na dun. You're just telling me to move on like it's an easy thing because you haven't experience what I'm experiencing up until now! You're just saying that because you're happily inlove! You're saying that because you're happily married now! Tama ako, diba?" Biglang tumaas ang tensyon sa pagitan nilang dalawa.

"Ano? Where the hell did that things came from, Kate? Alam mo'ng concern lang ako sayo." Ramdam niya din ang tensyon sa kabilang linya.

"C'mon, Mel! Malaki na 'ko. And for the nth time time, I wanna tell you I can handle this alone." Ewan ba niya't naiinis siya sa mga tao sa paligid niya. Napaka-insensitive nang mga itong mag-isip na parang wala lang nangyare sakanya.

"No, Kate! As what I've noticed, you need my advice." Pagpapaliwang pa ni Mel.

"Well, I fvckin' don't need your advice!" Kate exclaimed. Damnesium! Mel's getting into her nerves.

"Stop cussing! Kung ayaw mo'ng mapagsabahin, 'edi wag! You don't have to shout." That was the last line she heard because Mel suddenly went off the line.

Napahilot na lang siyang muli sa sentido niya. Oo nga pala, buntis ang kaibigan niya. Mabigat ang emosyon nito ngayon at sana'y hindi niya na lang ito pinatulan pa.

Paano naman kase? Lahat nalang ng tao sa paligid niya pinagsasabihan siya. Her dad, her mom, her brother and now her bestfriend! Ano ba'ng mali sa sinisigurado lang kung aksidente nga ba ang nangyare kay Tom?

She wiped the tears that escaped from her eyes as she reached out for the frame beside her landline's table.

"I'm going crazy over here, Tom. Won't you mind coming back and take me with you?" Saad niya pa habang nakatingin sa picture nilang dalawa ni Tom. All the years she stayed away from home, it was Tom who was always there for her. Alam niyang pinalayo siya ng mga magulang niya para matuto at maging independent. Pero hindi naman nangyari yun. Simula nang mag-aral siya sa States ay si Tom na ang naging sandalan niya bukod kay Mel.

The Loving AgentWhere stories live. Discover now