CHAPTER 9 - FAIL

4.4K 117 19
                                    

CHAPTER 9 – FAIL

 

CHESTER POV

 

"What?!" Kumunot ang noo ng senpai (upperclassmen) ko. "Bata lang yun Chester!" Bata?! Batang nakakatakot! She's like a living monster.

"Kung ikaw kaya humarap sa kanya." Sabi ko. Kung makapanliit kala mo kayang kaya niya e.

"Osige ganito." Lumapit siya sa akin at inakbayan ako. "Tutulungan kita sa next mission mo sa kanya, basta ba hati tayo sa bayad pagnahuli natin." Bulong niya.

"Deal." Sabay ngisi ko. Ge tignan natin galing ng lalaking to.

Sa squad kasi namin masyado akong minamaliit porke ako pinakabata. I'm the youngest inspector in the world pero hindi pinakamagaling. Average lang, nothing special.

"Ganito, magplano tayo..." Madami siyang sinabi sa akin na plano pero lahat ng iyon walang kwenta.

Itratrap namin sa isang gusali? Ifraframe up namin? Anong klaseng plano yun diba?! Lahat ng masamang plano binanggit niya mahuli lang namin si Azumi. Aba syempre hindi ako papayag doon.

Naging pulis pa ako kung mandadaya lang din ako?

"Ayoko." Sabi ko sa senpai ko.

"Ito naman oh."

 

Nagtataka siguro kayo paano ako naging cop eh ang bata ko pa? 18 pa lang ako, inspector na ako at medyo mataas na din ang ranko.

Ang tatay ko kasi ay isang member ng militar. 1/4 Chinese ako, hiwalay na ang parents ko at may kanya kanya na silang asawa. Kay mama ako sumama na nakapangasawa ng isang Hapon.

Pinasok agad ako sa isang military school kahit bata pa ako. Dalawang taon ako doon dahil sa unang taon ko, hindi tanggap ng biological father ko ang resulta. Nasa Top 5 lang ako na pinakamagaling. Ang gusto niya Top 1. Kaya nung sa sumunod kong taon, naging Top 1 na ako. Kahit bawal umulit, batas kasi ang ama ko. Nakakatakot siya kaya pati ako takot.

Isa ito sa mga gusto niyang matapos kong misyon. Siya ang nagbigay sa akin ng trabaho. Ang kumpanyang ito ay hindi lang basta basta pangpulis o inspector. Mayroon ding mga engineer, architect, doctor o kung ano pang proffession. Ayos noh?

Okay masyado akong madaming sinasabi. I'm inspector Chester Law, at your service!

Madami na akong nahuling mga masasamang nilalang, lahat iyon ay madali lang. Mga mababaw na kaso lang kasi ang binibigay sa akin ng senpai ko dahil bata pa daw ako. Ang matindi lang yung huliin ko ang number 1 assassin. Minsan lang kasi magbigay ng utos ang ama ko.

Female Yakuza - Assassin [BOOK 4]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon