CHAPTER 23 - GOODBYE TO THE FYA

2.2K 49 3
                                    

CHAPTER 23 - GOODBYE TO THE FYA

"Sabi ko na nga ba. Wala talagang maidudulot na maganda ang pagiging independent niya. Kiyoshi! Ano bang ginagawa mo? Bakit hindi mo man lang mabantayan ng maayos ang anak mo."

"Hindi ko mapipigilan si Azumi."

"Ano ka ba?! Ama ka niya! May magagawa ka! Imbis kasi pagsabihan mo siya, kinukunsinte mo pa." Ang ingay. Bakit ang ingay? Naririnig ko boses ng nanay ko.

"Huwag mong isisi sa akin lahat Kumiko. Hindi rin magkakaganyan si Kumiko kung inalagaan mo siya ng mabuti. Kung itinuon mo lang ang pansin din sa kanya, hindi yung puro ka sa kambal. Nakalimutan mo na na may anak ka pang isa." *pak* Isang matunog na sampal ang narinig ko. Naiinis na ako.

"How dare you! Malamang bata pa sila. Si Azumi, malaki na."

"Malaki na? Kaya ba pinabayaan mo siya? Tapos sisisihin mo ako?"

"Maganda ang pagpapalaki ko kay Azumi." Oh really, mother?

Minulat ko ang mga mata ko. Puro puti ang nakikita ko. Nakita ko sa bandang bintana ang mga magulang ko. Sa sofa ang kambal kong kapatid na natutulog. Inalis ko ung nakatusok sa kamay ko. Busy pa din ang mga magulang ko na nagtatalo.

"Naisipan mo palang dumalaw?" Sabi ko sa nanay ko.

"Bakit may ganitong nangyayari sayo ha? Bakit hanggang ngayong nakikipaglaban ka pa din ha? At si Kiyoshi lang ang may alam!! Ano bang nangyayari sayong bata ka!!!"

"Bakit di mo tanungin ang sarili mo? Nasaan ka ba nung kinakailangan kita?" I smirked. "Alam mo, kailangan mo lang ako kapag gusto mong ipabantay sa akin ung kambal eh. Hindi mo alam na muntikan na akong nagahasa. Buti na lang, alam ko kung paano ko dipensahan ang sarili ko. Doon siguro nagsimula ang lahat. Ang dami kong problema sa school! PInagtatabuyan ako, wala akong kaibigan dahil anak ako ng isang criminal! Naiintindihan mo ba yon, ha?" Sasampalin na sana niya ako ng napagilan ko ang kamay niya.

"You're still my mother kahit pagbaliktarin ang mundo. But, do you become a real mother to me?"

Female Yakuza - Assassin [BOOK 4]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon