CHAPTER 6.2 - FOR THE SECOND TIME

4.6K 113 17
                                    

CHAPTER 6.2 – FOR THE SECOND TIME

 

 

"Azumi.." Sabi ni Alice. Nakaharap siya sa akin habang may nakatutok sa ulo niya na baril.

"Huwag kang gagalaw!" Sigaw sa akin nung may baril. Bigla siyang sumenyas at nagsi pasukan na ang mga kasama niya.

Mga armadong lalaki. May tumutok ng batil din sa aking lalaki. Ang iba pinagkukuha na ang mga gamit nila Alice. Tinignan ko siya. Naiiyak na siya pero hindi niya lang ito pinapakita. Ayaw niyang maging mahina sa harapan ko.

"Bilisan niyo!!" Sabi nung lalaki. Nakabonet shades at nakatakip ang kanilang mga bibig. Pinagmasdan ko lang sila. Nagiingat ako dahil isang maling galaw ko, patay si Alice.

"Huwag!" Sigaw ni Alice.

Hawak hawak nung isang lalaki ang isang kwintas. Simpleng kwintas lang ito at mukhang importante kay Alice iyon.

"Kunin niyo na lahat huwag lang yan!" She said.

"Tumahimik ka!" Kinasa ng lalaki ang baril niya. Fak!!

"Kumalma ka lang Alice." I said calmly.

"But that's the most important thing in my life." She said naiiyak.

 

"Bilisan niyo!!" Paalis na sana sila ng bigla ulit sumigaw si Alice.

"Huwag!!" Sigaw niya.

"Sinabing tumahimik ka ee!!" Sigaw nung lalaki. Tinutukan niya si Alice akmang babaralin na niya ito ng mabilis kong tinulak si Alice sabay sipa sa baril ng lalaki.

*BANG*

 

 

Pumutok ang baril at natamaan doon ang lalaking kasama nila.

"Alice! Takbo!" Sigaw ko sa kanya. Tumakbo naman siya samantalang ako tumakbo na din.

Female Yakuza - Assassin [BOOK 4]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon