Pag-asang May Maibabalik Pa

542 5 0
                                    

Ni: @nicolemacapanas_

Sa pagtilaok ng manok na nagpapahiwatig ng panibagong umaga. Sumulyap sa telepono at nagbabakasakaling may mensahe kaInaasam na sa muling pagbati ng "Magandang umaga" ay may magbago at maibalik pa. Inihanda ang sarili sa paparating na giyera. Sa pagdating ng unos ng kagipitan, bumangon sa pagkakalugmok at nagdesisyon na sumabak sa gulo, sa giyera, sa bagyo

Lumusong sa dagat ng nag-iisa, lumangoy at sumabay sa alon ng kalungkutan kahit hindi alam kung makararating ng ligtas sa pampang ng kasiyahan. Ngumiti ang haring araw na naghuhudyat ng panibagong simula. Panimula ng bagong pag-asa, ng bagong kabanata, bagong yugto, ng bagong bahagi ng nobela

Muling bumangon sa masasalimuot na bahagi ng kwento. Tutuloy sa panibagong pagsubok. Matapang na lalaban sa anumang kaakibat na suliranin sa bawat parte nito. Isusugal ang sarili para sa tagumpay, sa pag-asa, sa pagmamahal, sa pag-ibig. Kulay kahel na ang kalangitan, nalalapit na ang wakas, parating na ang katapusan

Ang nagmamahal ay nakauwi ng ligtas ngunit nanatiling nag-iisa. Bumalik ng may bahid ng kalungkutan, pagkasawi, at pagkabigo ang kanyang mukha dahil sa pag-aakala na kapag sumugal pa ay may maibabalik pa. At sa wakas, naaninag na ang liwanag sa karimlan

Naghuhudyat na kailangan ng magdesisyon sa huling pagkakataon. Sa tabi ng pampang, ang nagmamahal ay napagdesisyunang hindi na muling umasa. Napagtanto sa sarili na hindi lahat ng sumusugal ay may naibabalik pa.

Unheard Thoughts (Spoken Word Poetry compilation)Where stories live. Discover now