Mahal kita, ngunit nauna na siya

6.5K 43 7
                                    

Alam niyo ba ang isa sa pinakamasakit na uri ng pagmamahal? Iyon ay ang pagmamahal sa taong may minamahal na. Yung tipong mahal mo na siya, mahal ka na rin niya. Yun nga lang, may nagmamay-ari na ng puso niya. Lahat ng iyon ay dahil sa nahuli ka. Oo, nahuli ka nang dating. Kung inagahan mo sana nang kahit ilang segundo, malaki ang tiyansang ikaw ang mananalo. Kaya ano ka ngayon? Magtitiis ka na lang ba ganyang estado niyo? O gagayahin mo akong pinakawalan na lamang ang mahal ko? Oo, pinakawalan ko ang mahal ko. Nais niyo bang malaman ang kwento ko? Sige, aking sasabihin sa inyo.

Isang araw habang ako'y nag-iisa, nagmumuni-muni't nakatingin sa bintana,
Isang bituwin sa aki'y nagpakita
Ang kanyang kislap ay talagang nakakahalina.
Ibang-iba sa lahat ng napagmasdan.
Kakaibang kiliti sa sikmura'y naramdaman
Ngunit ito'y di pinagtuonang pansin, sa pag-aakalang ito'y mapapawi rin.

Lumipas ang araw, linggo, at buwan.  
Mga paru-paro'y patuloy na nagliliparan.
Pag-ibig na nga ba ang nadarama?
O sadyang naglalaro lamang ang tadhana?
Mga landas nati'y muling pinagtagpo.
Muling nagkausap at nagkasundo.
"Binibini" Iyong panimula. "Maaari bang ako sayo'y magtanong? Ano nga ba itong sa puso ko'y nanggugulo?
Normal ba sa isang gaya ko ang makaramdam ng pagkalito?
Kung hindi ma'y nais ko sana ito'y mahinto."
Ika'y nag-abang ng aking sagot,
Sagot sa tanong mong napakasalimuot.
Lalamuna'y nanuyo nang ako'y iyong hinapit. Nakita sa'yong ngiti ang sakit na ikinukubli.
Alam kong mali, sobrang mali.
Ang ibigin ka'y hindi ko mawari.
Unti-unting kumawala mula sa iyong bisig. Napakasakit ma'y kailangan nang itigil.
Sa huling pagkakataon ika'y aking hinagkan. Luhang nais kumawala'y pilit pinipigilan. Huling beses na pinagdampi ang mga labi at pag-alab ng mga damdaming di maiwaksi.
Mahal ko, huwag kang mag-alala. Darating ang araw, kakalimutan din kita. Tulad ng paglimot mo sa pag-ibig niyong labis nang naghihingalo, kasabay nito ang pagtigil ng tibok ng puso ko.
Mawawala na 'ko sa inyong paningin.
Pero mahal, ako'y nananalangin.
Nananalangin na sana'y iyong pakatandaan. Mga pangarap na inyong sabay pinagmasdan. Mula sa simula hanggang sa kadulu-duluhan, nawa'y huwag mo sana itong kakalimutan.

Ayan ang kwento ko. Labis nga ang panghihinayang ko. Kung nauna lang ako, edi sana ako 'tong nasa piling mo. Ako sana 'tong nagpapasaya sayo at nagbibigay ngiti sa mga labi mo. Pero hayaan na lang. Ang mahalaga mahal mo siya at mahal ka niya. Dibaleng ako na lang at masaktan. Dahil ang pagsasakripisyo ko'y minsan lang naman.

Unheard Thoughts (Spoken Word Poetry compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon