Akala ko ako na, hindi pa pala

4.1K 23 1
                                    

Sabi nila, masyado raw kaming mabilis. Daig pa ang batang nawalan ng kendi sa paghihinagpis. Sa isang iglap, nagmahalan kami. Walang kasiguraduhan kung saan mauuwi. Pagmamahal na nga ba talaga ito? O isa lamang paghanga ang nararamdaman ko? Ahh. Bahala na kung saan ito patungo. Basta't alam kong ikaw lang ang nais ko.

(Ginawa ko ito noon para sa kaibigan ko. Medyo maikli kasi originally pang-asar ko lang 'to sa kanya. XD)

Mula sa simpleng "Hi, kumusta ka?" Pag-iibigan nati'y agad nagsimula. Dahil sa labis na kaligayahang nadama, handa nang suungin ang apoy basta't makapiling ka. Oo, tanggap ko na ang kahihinatnan ng desisyon kong to. Dahil sa huli alam kong siya pa rin ang mahal mo. Bakit kasi naunahan niya ko e. Hindi ba pwedeng burahin ko na lang siya sa puso't isip mo?
Ang taas ng pangarap ko. Alam ko namang siya ang nauna sayo. Siya pa rin itong mas matimbang. Na sa pagitan naming dalawa, siya pa rin ang tinuturing mong reyna. Libre lang naman mangarap, hindi ba? Libreng managinip na sa huli, ako na talaga. Ako na ang iibigin mo nang buong-buo. Ako na ang magbibigay ngiti sa mga labi mong laging nakalukot. Ako na ang magpapakinang sa mga mata mong gabi-gabi'y nagmumukmok.
Ako na lang sana ano? Para hindi ka na nasasaktan ngayon. Alam kong bago pa lang ako sa buhay mo. Pero sana huwag mo namang paglaruan ang puso ko. Hindi ko alam kung seryoso ka ba nung sinabi mong gusto mo rin ako. Dahil sa totoo lang, puso ko'y nag-iiba na ng takbo. Kaya dalangin ko lang na sana seryoso ka. Nung sinabi mo sa akin ang katagang "gusto kita." Puso ko'y nagtatalon sa tuwa kahit na alam kong iba ang pinagtutuunan mo ng mga salitang "mahal kita."

Unheard Thoughts (Spoken Word Poetry compilation)Where stories live. Discover now