BTB 3

1.7K 76 7
                                    

Tara's 

"I swear! That guy is really getting on my nerve!" Sabi ko kay Keeya at Jade na kanina pa ako pinapakalma dahil nga kanina pa kumukulo ang dugo ko. Sukat ba naman kase akong tawanan nung Zion na yon!? Ang kapal ng mukha niya! Hindi niya ba talaga ako kilala!

"Tara kumalma ka naman please, I'm scared na kase e! You're becoming a monster!" Sabi pa ni Jade sabay abot sa akin ng ice tea. Kinuha ko naman iyon sa kanya at nilapag lang sa table. Wala akong pakialam kung natatakot na sila sa akin, ang alam ko lang sa mga panahon ngayon, ay galit ako! Galit ako sa bwisit na lalaking iyon!

Ang kapal niya! Humanda talaga siya sa akin. Hindi na siya sisikatan ng araw bukas!

"Manahimik ka nalang Jade!" Sabi naman ni Keeya at nagpatuloy lang sa paghiga. Natutulog kase siya kanina, habang nagkakakatak-katak ako sa tabi niya. Ganyan talaga si Keeya, parang walang pakialam sa paligid niya.

"Uuwi na ako!" Sabi ko nalang sa kanilang dalawa at kinuha na yung susi ng kotse ko. Bwisit na buhay 'to! It's first day pero nagcucut na ako ng class, and it's because of that stupid guy!

Bakit ako nagcut class!?

Punyeta! Kaklase ko kase siya e! Ano bang kamalasan ang nakuha ko!? Nakakabwisit!

Susundan sana ako ni Jade pero pinigilan nalang siya ni Keeya. Alam kase ni Keeya na kapag galit ako, galit ako - at walang nakakabago noon.

Nagmaneho agad ako pauwi. Sana naman karating ko sa bahay, maging okay na ako dahil hindi ko na alam kung kakayanin ko pa ang panibagong stress na matatanggap ko.

"Tara..." Sabi ni yaya sa akin, binigay ko sa kanya yung bag ko tapos pumasok na ako sa front door pero bago pa ako makapasok ng tuluyan, nakarinig nanaman ako ng sigawan pati na rin ng kakabasag lang na vase.

"Tara, anak..." Sabi sa akin ni yaya, ngumiti nalang ako sa kanya.

"Ayos lang yaya, sinyales lang to na dapat hindi muna ako umuwi ng bahay." Sabi ko sa kanya at nagpilit ng ngiti.

Sumakay nalang ulit ako sa kotse ko, at nagmaneho na palabas ng bahay. Pero ng hindi ko na mapigilang lumuha napahinto nalang ako sa isang avenue malapit sa park sa may village namin.

"What a life!" Sabi ko sa sarili ko at hinampas-hampas yung manebela. Ang swerte ko talaga!

Akala kase ng iba napaka-perpekto kong tao, ang hindi nila alam - I have a miserable life. My mom and dad always fight kaya madalas sa condo lang ako umuuwi, Lolo, busy siya sa lahat ng bagay na pinagkakakitaan niya. My stupid brother? Siya nalang yung kakampi ko, iniwanan pa ako! Ayun, nagpapakagago sa New York! Sana kase sinama nalang niya ako.


Stupid Tristan!

I have a wonderful family, dba? Ang swerte ko! Sobra.

Being Tara BuenavistaTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang