BTB 8

873 50 6
                                    

Tara's



"Ken's downstairs." Agad na bulong ni Krystal sa akin pagkarating niya. Tinignan ko lang siya at sinenyasan na wag sabihin kay Keeya.


"Oh god! I don't know what to do anymore! Walang ganitong nababasa sa libro. Bakit ba ganito kasakit ito!?" Halos matawa naman kami ng bigla bigla nalang nagsisisigaw tong babae sa tabi ko sabay subsub ng mukha niya sa paanan ko.


"Ewan ko ba sayo, lagi mo kaseng dinededma. Pag naman niyayaya ka, pakipot ka. Ano bang gusto mo? Forever nalang kayo magpapacute sa isa't isa?" Tanong ko naman sa kanya. Totoo naman kase e! Gusto naman kase talaga niya si Ken, nagpapakipot lang at kunwari walang gusto sa tao. Ewan ko ba bakit may ganyang mga tao.


"E kase naman! Feeling niya God's gift to women siya! Tsaka ang yabang niya. Ang babaero niya, hindi katalinuhan, hindi naman masyadong gwapo, sobra kung mang-asar, at isang malaking kupal! So bakit ko naman hahayaan yung sarili ko na mafall sa kanya di ba!?" Paghihisterical niyang tanong sa amin ni Krystal.


"Irundown natin yang mga sinasabi mo." Sabi ni Krystal.


"Una, sabi mo feeling God's gift to women - Check! May ipagmamalaki naman kase talaga sis." Singit pa niya. Ipagtanggol pa ang kapatid sige!


"Iangat mo pa yang kapatid mo, Krystal. Nang masiraan na talaga ng bait itong kaibigan ko." Sabi ko naman sa kanya. Patuloy pa rin si Keeya sa paginom habang nakikinig sa amin.


"Pangalawa, mayabang. OA minsan pero tolerable pa naman."


"Pangatlo, babaero - check na check. Pero malay mo, kapag nakuha ka na niya ni lingon sa ibang babae hindi na niya magawa di ba!"


"Hindi ako easy to get!" Sabi niya pa habang humahagulgol. Parang timang lang ha.


"Ang sabi mo naman hindi siya katalinuhan, well friends, hindi naman bobo si lil bro pero may pagkashunga pagdating sa pagpili ng ikakama." Dun sa word na ikakama lalong napahagulgol tong katabi ko. Ulit-ulitin ba naman kase sa kanya e.


"Tumigil ka nga sa kakangawa mo, masakit sa tenga Kee." Sabi ko pa sa kanya.


"At sabi mo hindi masyadong gwapo! Well sisteret, mali ka don! Ang gwapo kaya ni lil bro. Di ba Tara? Hahaha!" Sabi niya pa. Mapang-asar din tong si Krystal no? Ano kaya nagustuhan ni Tristan dito. Nakalimutan kong sabihin sa inyo, fiancee pala ng kupal kong kuya itong ate ng kupal kong bestfriend.


"Oo na, gwapo na si Ken." Napaface palm nalang ako.


"Anong gagawin ko!?" Saksakan ko kaya ng tranquilizer to para naman kumalma nakakabulahaw ha. Pasalamat siyang walang tao sa lounge at sound proof to kaya hindi siya maririnig ni Ken sa baba.


"Ano bang itsura nung girl?" Tanong naman ni Krystal sa aming dalawa.


Being Tara BuenavistaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon