BTB 7

996 52 7
                                    

Keeya's



Nakatingin sa malayo habang iniisip ang mga katagang paulit-ulit sa utak ko.


'Mahal kita, Ken'


'Mahal kita, Ken'


'Mahal kita, Ken'


Shit! Bakit ba kailangan ko pang makita iyon!? Bakit hindi nalang ako dumaan sa east wing! Bakit kailangan sa north pa!? Bakit kailangan kong makita na may nagcoconfess kay Ken!


"Nakakairita!" Napasigaw ako sa sobrang kakaisip. Nakita ko naman yung professor ko na nakatingin sa akin kasama na rin ng iba pang matang nakatutok na rin sa akin.


"Ms. Bustamante? Is there something wrong?" Tanong niya sa akin. Halos mahulog ako sa upuan ko dahil sa mga matang nakatingin sa akin. Para bang gusto kong magtago.


Kasalanan tong lahat ni Ken! Dahil sa kanya hindi ako makapagconcentrate! Arggh.


Umiling nalang ako pero nagexcuse nalang din ako. I can't join class if I can't concentrate! And besides, alam ko na yung tinuturo niya. It's all about Trigo. Easy pieceyyy.


Paglabas ko ng classroom nakita ko si Tara na naglalakad papuntang comfort room. Saan nanaman galing yung babaeng 'yun? Di nanaman siya nagattend ng first class niya?


"Tara!" Sigaw ko at tumakbo papunta sa kanya pero hindi niya ata ako narinig.


May narinig naman akong bulungan sa tabi. "Nag-away daw yung boyfriend ni Tara tsaka si Keith kanina. Hinalikan pa nga daw ni Tara sa harap ni Keith yung Zion e."


Ahh. Kaya naman pala! Pero mga chismosang froglets tong mga to! Tinignan ko sila at sinamaan ng tingin.


"Chismisan pa ha?" Sarkastikong sabi sa kanila.


Tumakbo ako ng comfort room at naabutan kong umiiyak si Tara. Nilock ko agad yung pinto dahil baka may makakita.


"What's up, gal? Heard you kissed a newbie?" Tanong ko sa kanya. Agad naman niyang pinunasan yung luha niya.


"Keith was with her again, Kee. Hindi ko talaga maintindihan. Paulit-ulit nalang kami, Kee." Sabi pa niya sa akin.


Ever since naghiwalay sila ni Keith, ganyan na siya. Iiyak nalang at magkukulong pag hindi na niya kaya, Jade and I, lagi namin nakikita yung mga sentimental moments niya.


Kaya pag-galit siya o kaya naman masaya, pinababayaan lang namin siya.


Pero pag nasasaktan na siya, ibang usapan na yun.


"Mahal mo pa talaga siya, Tee." Sabi ko naman sa kanya habang hinihimas yung likod niya.

Being Tara BuenavistaWhere stories live. Discover now