Chapter 1

30 2 0
                                    

Chapter 1

Amity

 

"Shit ka Luke! Bilisan mo na parating na sila!" sigaw ko sa kanya.

"Wait lang naman! Ayan na nga binibilisan na oh!" sabi niya habang natataranta.

"Aaaah! Pakshet ka! Andyan na!"

"Shit! Shit! Antayin mo ko. Malapit na ko!"

"Bilis! Hindi ko na kayang maghintay! Ang bagal naman neto!"

"Relax ka muna. Binibilisan ko na."

Hinintay ko talaga siya. Sabi niya eh. Pero aish.. Antagal talaga. Hindi ko na kaya...

"Mauuna na ako aa. Hindi ko na kaya eh." Napa 'tss' na lang siya.

"Ayan tuloy. Sabi sayo malapit na ko eh. Hindi tuloy tayo sabay. Madaya! Sabi ko sabay tayo eh," tapos nag pout siya.

"Haha. Ang bagal mo kasi. Lagi na lang kitang nauunahan. Kalalaking tao slow. Tsk. Tsk." Tinignan niya lang ako tapos bigla siyang ngumiti ng parang may binabalak.

"So, hinahamon mo ba ako ng round 2?" tinaasan ko lang siya ng kilay. Round 2 his ass!

"Pagod na ako. Bukas naman." Humiga ako sa sahig.

Grabe, ang intense nun. Exciting pa. Hoo! Sana ganito araw-araw.

Naramdaman kong tumabi siya sa akin.

"Eww. Layo ka nga! Nanlalagkit ka sa pawis oh. Kadiri!" tinulak tulak ko pa siya. Siya naman parang baby na pinipilit pa rin yung sarili niya sa pwestong bawal siya.

"Ayaw. Gusto ko tabi tayo." Hayy. Ang childish talaga niya.

Narinig kong may kumakatok sa kwarto kaya tinapalan ko muna yung bibig ni Luke.

"Anak, kain na kayo sa baba. Nakapag hain na ako."

"Susunod na lang kami ma!" sigaw ko kay mama.

"Ano pa bang ginagawa niyo dyan? Papasok ako ha?" Hala! Malalaman niya yung ginawa namin ni Luke.

"Pakshet Luke! Magdamit ka!" utos ko sa kanya habang mabilis na tinago yung console ng PS4 ko. Ayaw kasi ni mama na nag lalaro kami ng racing ni Luke eh. Pang lalaki lang daw yun.

"Wala naman pala kayong ginagawa eh. Tara na, magsikain na kayo." Hoo! Buti na lang well trained na ako sa ganung sitwasyon.

Pakners in CrimeWhere stories live. Discover now