7

29 1 0
                                    

Ba't ka nandito? Sobra ba ang ingay nila? Gusto mo bawalan ko? Baka nakakaabal kami sayo. - tanong niya

Hindi naman. Okay lang. Ikaw? Masakit pa ba yung paa mo? - tanong ko. Bakit ba ang concern mo sakanya Kristina?

Hindi na nga eh. Mukhang palpak pa ang pinlano nila. Ewan ko ba kay Sir Vladimir ayaw pa kong palakarin. - birong sabi niya

Hayaan mo na. Baka mapano pa yan pag nilakad mo kaagad. - sabi ko

Nanahimik ang paligid. Ako tumingin sa mga ulap. This is so awkward.

Kristina? - tawag niya

Tumingin ako sakanya.

Yes? - sagot ko

Thank you. Thank you for all the things you've done for me. Sorry kung sa tingin mo hindi ko na-appreciate pero concern lang ako sayo. They can hurt you at ayokong mangyari yon. - sabi niya

Sabi ko nga diba, ako ang pumili na pasukin yon. Ako ang may gusto na gawin yon para sayo. - sabi ko

Tumayo naman siya bigla pero mukhang medyo masakit pa. Naglalakad siya papalapit lalo sa direksyon ko. Damuhan na kasi dito eh.

Anong ginagawa mo? Baka mapano ka niyan e. - sabi ko

Naglakad pa rin siya papunta sa'kin at biglang lumuhod sa harap ko.

DJ. Tumayo ka diyan. Ano bang ginagawa mo? - sabi ko

Kahit anong mangyari. Walang kahit sino man ang pwedeng manakit sayo. Hangga't nandito ako sa mundo, walang makakasakit sayo. That's a promise. Remember that. - seryosong sabi niya

Nakaramdam ako ng kakaiba sa loob ko. Sa matagal na panahon ngayon ko na lang naramdaman ulit ito. Tango lang at ngiti ang naisagot ko tsaka ko siya inalalayang tumayo. Tumayo na rin ako syempre.

Nagkatinginan kami. Ilan lang ang inches ng layo ng mukha naming dalawa. Yung mga mata niyang hindi nakakasawang titigan. Papalapit ng papalapit ang mga mukha namin. Tanging tunog lang ng mga ibon ang naririnig ko. Hangin na dumadampi sa balat ko. Ang corny nito.

Nung naramdaman ko ang labi niya sa labi ko. I closed my eyes. Tumigil ang lahat. This feeling is weird. Nagtagal yon ng ilang segundo lang. Dahil parang panaginip na bigla akong nagising. Minulat ko ang mata ko sabay lumayo sakanya. Hinawakan ko ang labi ko at tumakbo papalayo sa lugar na yon.

Walang kami. Bakit ko siya hinayaang halikan ako? Ano ba Kristina. Parang easy-to-get ka non. Argh! Ang tanga mo po.

Dumiretso ako paakyat ng kwarto. Pagdating don. Binagsak ko ang sarili ko sa kama. Hindi pa rin siya matanggal sa sistema ko. Yung mga sinabi niya, mga mata niya, yung...Ah. Kristina naman. Lumipas ang oras na natanga lang ako sa kwarto. Ganon na ba ang tama sa'kin ni DJ at nagkakaganito ako?

Kristina. Time to eat. We won't start hangga't hindi ka pa bumaba. - sabi ni Dad mula sa labas

Coming. - sigaw ko

Tumayo ako at medyo inayos yung nagulo kong damit dahil sa pag-ikot ikot na ginawa ko sa kama kanina. Pagkatapos bumaba rin ako. Maingay sa dinning room. Ano pa nga ba?

Pumasok na'ko mukhang wala namang nakapansin dahil sa sobrang kaguluhan nila. Bigla namang pumasok si DJ. Naglalakad na siya pero halatang hirap na hirap. Kinabahan ako bigla.

DJ bakit wala kang wheelchair? Dinala din ni Ivan yung saklay, bakit hindi mo gamitin? - sabi nung nagngangalang Darius. Unti unti ko ng nakikilala yung mga players ni Dad

I'm fine bro. - sabi niya sabay tingin sa'kin.

Let's eat. DJ doon ka na lang umupo sa tabi ni Kristina. Wala na kasing available na seat.  - anunsyo ni Dad

Thanks dad! Really now huh? Hindi ako nagreact pero sa loob ko. Damn it! Ang awkward nito. Grabe. 

Kumain ako ng medyo mabilis. Sila kasi puro daldal eh. Balisa ako dahil ang katabi ko tahimik din. Paano na ba to?

Kristina? - bulong na tawag ni DJ. Hindi maririnig ng iba dahil sa sobrang kaingayan nila. Tinaasan ko lang siya ng kilay.

Tungkol kanina... - I cut him off

Wag dito DJ. Let's just forget about what happened. - bulong na sagot ko tsaka tinuloy ng tahimik yung pagkain ko.

Lumabas ako kaagad pagkatapos. Kumakain ba mga yon o nagrarally? Hay. Pumunta muna ako sa living room. Ayoko sa Entertainment room siguradong doon ang punta nila. May pinaplanuhan silang party eh.

So Many QuestionsWhere stories live. Discover now