5

37 1 0
                                    

Nakalabas akong walang kahit anong naririnig sakanya. Naglakad ako na'ko papunta sa parking lot ng may narinig ako. 

Ayos ka talaga tol. Kaka-ere pa lang nung Ocampo pare, bininyagan mo na agad.

*click recorder* Buti na lang dala ko yung ballpen na may voice recorder. Lagi ko siyang gamit pag may ganitong eksena. Baka kasi importante. It's from my Mom. Mukhang magagamit ko na siya ngayon.

Ang galing mo talaga pag siraan ng laro no. Ang ganda talaga ng naisip na plano para matalo sila kaya lang natsambahan nila ngayon. Sa itsura niya kanina mukhang matatagalan bago siya makapaglaro ulit. - sabi nung isa. Boses lalake.

Kahit talo tayo ngayon atleast injured naman ang isa nila diba? Matagal tagal bago makapaglaro yon. - sabi nung isa sabay tawa

Sadya lahat ng yon? Gago talaga.

Kamusta naman ang plano niyo? Mukhang tagumpay nga ano? - sabi ko ng biglang lumabas

Gulat na gulat ang reaksyon nilang dalawa. Tama ang hinala ko. Galing sila sa mga kalaban nina DJ kanina.

Anong sinasabi mo? - sagot nung isa

Sinadya niyo pala yon. Ang dumi niyo naman maglaro. Mga lalaki ba talaga kayo? - asar na sabi ko

Wala kaming alam diyan sa sinasabi mo. Wag kang gumawa ng kwento. - sagot nung maangas na nanakit kay DJ. Naglalakad na sila palagpas sa'kin. In-off ko na yung recorder.

Hinila ko yung kamay nung maangas tapos pina-ikot ko. Nasa likod ako hawak ko yung kamay niyang pilit kong iniikot.

Ahhhh. Ano bang gusto mo?! - sabi niya

Ano ba! - sabi nung isa na papalapit na sa'kin.

Sinipa ko siya ng malakas. Nabalibag pa. Eepal pa kasi eh. Don't me.

Gusto ko? Aminin mo lahat sa mga players ng Dad ko ang ginawa mo. Hindi kayo maglalaro sa susunod na game dahil suspendido kayo sa mga ginawa niyo. Yun, yun ang gusto ko. Kaya mo o babalian din kita? - sabi ko habang patuloy kong hinihigpit ang kamay ko sa kamay niyang iniikot ko

Ano kami tanga? Ba't naman namin gagawin yon? Pinagbibigyan ka lang namin ngayon dahil babae ka. Maybe nagpapansin ka. What do you want? My place tonight? - sagot niya

Shut the hell up! Bastos! Gagawin niyo o uuwi kayong baldado? - matapang na sabi ko

Babae ka. Dalawang lalaki kami. Anong pinagmamalaki mo dyan? - sagot niya

Yun nga eh. I don't play fair. - sabi ko sabay pindot sa recorder at nagplay ang usapan nila kanina.

Natigil siya bigla.

Matalino ako Zaragosa! Gagawin niyo o ako mismo ang maglalabas sa dyaryo ng kabaliwang ginawa niyo? - sabi ko. Ganda pa naman ng surname nito. Bagay na bagay sa jersey.

Gagawin na namin. - sagot niya

Hinawakan ko siya sa damit na malapit sa leeg. Yung isa naman hinila ko pa-angat mukhang napuruhan ko. So weak. Hindi na nakatayo ang baliw. Masakit ba pagsipa ko? Dinala ko sila sa kwarto ni DJ dahil sigurado akong kumpleto ang mga tao don. Lalong lalo na ang kompanyang humahawak sa team ni Dad.

Sinipa ko yung pinto. Lahat ng atensyon napunta sa'kin, sa'min. I like that.

Kristina ano nangyayari? - sigaw ni Dad

Hi everyone! I'm with these two assholes. May gusto kasi silang sabihin sa inyo. - sabi ko

Dali, sabihin niyo na. Alam niyo naman diba? - sabi ko sa dalawa

Kristina, ano nanaman ito? - tanong ni Dad

Pakinggan mo sila. - sabi ko at mas lalong hinigpitan yung hawak ko sa kwelyo nila.

Pinagplanuhan naming saktan si DJ. Para masira yung laro. Kapag injured siya mapapadali na lang ang laro. - sabi nung maangas habang nakayuko

Pero napag-utusan lang kami. - sabi nung sinipa ko

Sino?! - sigaw kong tanong

Nanahimik sila at parehong walang balak sabihin.

Alam niyo kung anong hawak ko. Kaya kong paikutin 'to sa buong mundo. Magsasalita kayo o ano? *hila sa damit ng dalawa*  Mas maganda kung ngayon niyo na sabihin. - banta kong sabi

Kristina kumalma ka. - sabi ni Dad

Yung...yung coach namin. - sagot ni Zaragosa

What?! - sabi ng buong kwarto, pati ako. Coach nila?

Dad, kayo ng bahala sakanila. Kung gusto ng evidence meron ako. - sabi ko

Ilalabas muna namin sila. Magpapatawag ng emergency meeting. - sabi ni Dad saka sila lumabas. Mga players na lang ang hindi lumabas bukod sa'min ni DJ.

Paano mo sila napa-amin ng ganon? You're a cute girl but you have that side. I think I'm inlove - tanong ni Andrew na parang nalulusaw pa. Siya lang alam kong pangalan sa team ni Dad kasi siya laging nasesermon sa play or training.

I don't play fair. - sabi ko sabay play dun sa recorder. 

Pagkatapos non tumawa naman sila.

Astig mo!Napatumba mo yung dalawa. - sabi nung isa

Babae ka ba talaga? - sabi din nung isa

I need to go. Ingatan niyo sarili niyo boys. - sabi ko sabaya lakad na sana papunta sa pinto

Wait. - pigil ni DJ

Pwede bang iwan niyo muna kami? - tanong niya sa teammates niya

Sure captain. - sabi nila saka lumabas sa kwarto


Bakit mo ginawa yon? - tanong niya

Justice? For you? - walang emosyon kong sagot

Mapapahamak ka ng dahil lang sa'kin. Dapat hinayaan mo na lang. - sabi niya

I can take care of myself. Ako may gusto non. Ako pumili non. - sabi ko

Pero hindi mo sila kilala. They don't play fair and yes I know you too. Kaya lang iba ang sakanila. Kaya nila gawin lahat makaganti lang sa ginawa mo. - sabi niya

At ano? Hahayaan ko na lang na nagkaganyan ka because of that stupid team? Nakapaglabas ka ng dugo halos mabali na buto mo hahayaan ko pa rin ganon ba? Can you just say thank you?! - sigaw ko sabay labas. Nasa labas pala ang team. Sana hindi nila narinig.

I really don't understand him. Ba't hindi na lang siya nag-thank you diba? I'm almost a gangster. Hindi ako susugod kung hindi ko kilala yung mga kalaban ko. I'm not that weak.

So Many QuestionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon