11

31 1 0
                                    

Nagmulat ako ng mata. Ginalaw ko ang katawan ko at may kirot akong naramdaman sa balikat ko. Nasaan ako?

Bumukas yung pinto, niluwa niya ang isang lalaking may pag-aalala sa mukha. Si DJ.

You're awake. I'm so damn worried about you, kung alam mo lang. - sabi niya na parang may halo ng saya

Obviously. What the hell happened? Why I am here? - tanong ko

May nagtangka sa buhay mo. Ang tigas kasi ng ulo mo. Hindi ka marunong makinig. - sabi niya

Oh. That stranger. Ang daming sinatsat hindi pa pala ako tutuluyan. 

Okay. - sagot ko

Alalang-alala kami sayo. You're Dad can't even manage to say anything when I called him. - sabi niya

I'm fine. Always. Buhay pa naman ako dito? - tipid kong sagot

Kristina, they can hurt you. Please listen to me. Madala ka naman sa nangyari sayo. - sabi niya

What now? Yes they can hurt me and so? What do you want me to do? You want me to hide 'cause I know they can kill me? I can't do that. Hindi ako ganoon kaduwag DJ. - sabi ko

Sana naiisip mo kaming nag-aalala para sayo. - sabi niya saka lumabas

Napabuntong-hininga ako. Hindi ko mapigilan yung sarili ko.

Pumasok si Dad.

Nag-away ba kayo? - tanong niya

Alam kong alam niyo na yung sagot. - sagot ko

Hope you're okay. - sabi niya

I am. - sagot ko

Kristina, si DJ ang tumulong sayo. Ni hindi niya alam kung anong gagawin niya kanina. Why don't you listen to him? That team is not a simple group, they are the Racism Blood. - sabi niya

Racism Blood?

Ano yon? - tanong ko

A group, a gang or a frat. - sagot niya

A what? You're not serious right? What the hell is that? - tanong ko

Bago ako naging coach dito. Matinding kalaban ng Racism Blood ang team na hawak ko ngayon. Sa mga labanan nila off court. Pisikalan o basagan ng mukha. Like a typical gang pero ang White Devil kung saan nabibilang sina DJ pinili nilang iwan iyon kaya sila nagtraining at sumali sa basketball team kung saan sila nag-aaral noon. Hanggang sa nadevelop kaya sila napunta kung nasaan sila ngayon. Gusto nila ng safe na buhay para sa magiging pamilya ng bawat member. - paliwanag niya

Paano ka nakasama sakanila? Ba't ngayon mo lang sinabi lahat ng 'to? -tanong ko

Tuwing matatapos ang labanan, laging sa clinic ko noon ang takbuhan ng White Devil. Doon ko sila nakilala at nakasama. Ang leader at coach nila ay yung kuya ni DJ, si Denver. - tuloy niya

Nasaan na siya ngayon? - tanong ko

He died. Sa kasagsagan ng pagiging sikat nila dahil sa galing sa basketball ay siya namang kina-inggit ng Racism Blood. Pagkatapos ng isang game noon, sinugod ng RB ang White Devil kaya lang hindi fair dahil may mga gamit ang mga RB, konti lang ang nakalaban dahil sa takot. Sina DJ at Denver lang ang halos humarap sakanila, pinaalis na ni Denver ang mga kagrupo niya kasama ang kapatid pero ayaw umalis ni DJ. Ipuputok na nung leader ng RB ang baril kay DJ ng sinapo ito ni Denver para sa kapatid. - sabi niya

Ang brutal. Ganun yung pinagdaanan niya?

Pagkatapos? - tanong ko

Nawala sa sarili si DJ, akala namin hindi na siya babalik sa dati. Naging problema kung sino ang papalit kay Denver sa pagiging coach. Hanggang sa naisip ko na pwedeng ako maging coach nila at siya ang magiging captain. Dahil nga isa ako sa member ng association pumayag naman at ito na iyon. Sa sumunod na season nabalitaan na lang namin na may team na ang Racism Blood. - sabi niya

So ang lagi niyong kalaban sa finals ay ang Racism Blood? Sina Zaragosa? - tanong ko

Oo. Kaya ganyan ka na lang protektahan ni DJ. Kasi alam niya kung ano ang nasa likod ng binangga mo. We don't wanna lose you Kristina. Ikaw na lang ang meron ako ngayon. - sabi niya

Galit sila kasi nawalan sila ng team at nanalo nanaman ang White Devil? - tanong ko

Tama. Ito yung tamang oras para malaman mo lahat yan. Hindi ka naman kasi makikinig hangga't wala kang sapat na dahilan para manahimik. Labas muna ako. Take a rest. - sagot niya

Dad wait..- tawag ko

What? - tanong niya

That Andrew member ba siya ng White Devil? - tanong ko

Hindi. Kapapasok niya lang sa grupo last season. Wala siyang alam kahit ano. - sagot niya

Shit. No Dad. I think kasama siya sa grupo ng Racism Blood. That snake!

So Many QuestionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon