Chapter 13

208 8 2
                                    

A/N: Hi! Sorry kung inabot ng halos dalawang linggo ang hindi ko pag-update. Marami kasing inasikaso. Nag-debut kasi ate ko kaya medyo busy. Peace tayo :D I know it's not long, sorry.

Nakatayo ako sa harapan ng salamin ngayon. Hindi ko alam kung bakit parang kinakabahan at parang hindi ako mapakali. Hindi rin ako nakatulog ng matino kagabi.

“Kathryn! May naghahanap sa’yo!” sigaw ni Mama.

“Sandali lang kamo, Ma!”

Mas nataranta ako. Andyan na si Daniel. Kinuha ko na yung questioner at yung mga bagay na kakailanganin ko at nilagay sa bag ko.

Tinitigan ko ulit sarili ko sa salamin. Tokong at tshirt lang ang suot ko. Simple lang kasi gagawa lang naman kami ng project. Kinuha ko na yung sapatos ko at sinuot yun. Sinuklayan ko na rin yung buhok ko. At nagpulbo at pabango na rin.

Huminga ako ng malalim tsaka lumabas ng kwarto ko at bumaba sa sala.

“Good morning” naka-ngiti niyang bati sa akin.

Tumango lang ako at lumapit kay Mama. Nagulat naman ako nang makita ko itsura niya. Para siyang namumutla at para siyang kinakabahan.

“Ma, okay ka lang ba? May sakit ka ba?” tanong ko sa kanya.

“A-ah, okay lang ako Kath. Sige na, mauna na kayo” sabi niya sa amin.

Kiniss ko sa cheeks si Mama at lumabas na ng bahay. Narinig ko namang nagpaalam si Daniel kay Mama.

“Mag-iingat kayo ah?” sabi niya sa amin “Kath! May dala ka bang payong?”

“Ma, hindi naman na siguro uulan. Maaraw na rin naman ngayon.”

Tumango na lang siya at nagsimula na kaming maglakad ni Daniel. Maaga pa naman, kaya hindi pa masyadong mainit.

Nilingon ko ng tingin si Mama, at nakita yung mukha niyang nag-aalala. Ano bang meron kay Mama ngayon? Bakit parang wala siyang tiwala kay Daniel?

*beep

 

“Kath!” sabay may humilang kamay sa akin.

Muntik na akong masagasaan ng sasakyan. Nakatingin ako kay Daniel, na nagligtas sa akin.

“Okay ka lang ba? May masakit ba sa’yo? Kath?” tanong sa akin ni Daniel habang nakakunot noo niya.

Nakatingin lang ako sa kanya. Dahan-dahang bumaba yung tingin ko sa kamay naming magkahawak.

Tinaasan ako ng kilay ni Daniel kaya parang bumalik yung sarili ko sa katawan ko.

“A-ah. Okay lang ako. Salamat” sabi ko sabay hablot ng kamay ko, kunwari may tinignan ako sa bag ko pero wala naman talaga.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 02, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pustahan TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon