Chapter 11

222 6 3
                                    

A/N: Hi! Happy Mother’s Day sa mga mommy niyo! Sorry natagalan update. Sorry talaga. :D Paki-load nay ung video sa gilid. :)

“Kath ano bang meron ka? You turn my whole world upside down

What. Just. Happened? Inalize ko yung sitwasyon. Nakayakap siya sa akin, basa kaming dalawa, makalat ang kusina. Teka. MAKALAT ANG KUSINA!

Natulak ko siya, pero mahina lang naman. Ohmaypakingteyp. Inikot ko yung tingin ko sa kusina.

“Nakuuu. Naku. Naku. Naku. Yare ako nito” bulong ko sa sarili ko habang sinusuklay yung mga daliri ko sa buhok ko.

“Ah, ehe. Sorry Kath. Tutulungan na lang kita mag-linis”

Napatingin ako sa kanya. Parehas lang kami ng ekspresyon. Naihilamos ko na lang sa mukha ko yung palad ko. Maglilinis pa tuloy  -__-

Pumunta ako sa may counter at kinuha ang basahan. Sinimulan kong punasan yung tubig sa mga nabasang appliances. Syempre tinanggal ko muna yon sa mga saksak, baka makuryente pa ako, sayang naman yung buhay ko. Ang ganda ko pa naman, ahehe. XD

Napansin kong nag-momop si DJ. HAHAHAHAHA. BAGAY SA KANYA! XD

“Huwag ka ngang tumawa dyan Kathryn. Maglinis ka na.” sabi niya sabay belat.

Pinigilan ko na lang yung sarili ko at baka magkabatuhan ulit kami. Ay nako.

“Kasalanan mo ‘to” bulong ni Daniel pero narinig ko.

“Kasalanan mo kaya to, kung hindi mo ako pinahiran ng bula eh siguro hindi tayo naglilinis dito” pagtataray ko sa kanya.

Totoo naman eh. Psh. Badtrip tong lalaking to. Badtrip daw pero kinilig ka naman. Haist, ano ba my beautiful mind, don’t state the obvious. Haha, joke, ano ba yung sinabi ko? XD

“Kath, kausap mo na naman sarili mo. Kumilos ka na nga para magawa na natin yun questioner” sabi ni Daniel habang pinupunasan yung kitchen counter. Ang sipag naman nito, siya na lang kaya maglinis ng lahat? XD

After 5 minutes, malinis na ang kusina. Ang bilis no? Si Daniel lahat ng naglinis, ako na-stuck sa pagpunas ng limang appliances na nabasa. Mabagal talaga ako kumilos, pero okay lang kasi maganda naman ako. Ahehe.

“Ah, Kath? Magpalit ka muna kaya ng damit mo? Baka malamigan ka pa, tiyak ako na naman sisisihin mo.”

Oo nga pala. Medyo tuyo na ako pero medyo basa pa rin. Basta 50-50.

“Eh pano ka? Wala kaming panlalaking damit maliban kay Daddy. Bawal din namang galawin yon, mayayari ako kay Mama.”

“Duh? May dala kaya akong extrang damit lagi. Hay nako, Kath. Di ka kase mayaman tulad ko kaya hindi mo ako naiintindihan.” sabi niya sabay smirk.

Aww. Namiss ko yung smirk na yan. Pati yung pagtataray niya. Pero, kasi, teka…

“ANO NAMAN KINALAMAN NG PAGIGING MAYAMAN MO SA PAGKAKAROON NG EXTRANG DAMIT?! ANG YABANG MO PADILLA AH! Magbibihis na ako. Bahala ka diyan, wag kang mangingialam sa mga gamit namin kung hindi malilintikan ka sa akin!” sabi ko sabay takbo papunta sa kwarto ko.

Pagpasok ko pa lang sa kwarto ko ay tinaggal ko na ang tshirt ko. Ganto naman ako lagi kapag nagpapalit, naghuhubad agad kahit wala pang pamalit. XD

Sando. No. Hanging shirt. No. Ano ba Kath?! Mag-tshirt ka na lang, arte mo girl. Nababaliw na talaga ako. Nakikipag-away ako sa sarili ko. Haist.

Pagkatapos kong masuot ang isang light blue shirt ay bumaba na agad ako. Baka ano na ang ginagawa ni Daniel sa mga gamit namin.

“Yes, Baby.”

Pustahan TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon