Chapter 12

185 6 3
                                    

A/N: Happy 8k reads sa atin! Yaaaaaay! Sa totoo lang, bago ko i-edit at ibahin yung story na’to, may 9k read na to eh. Lol. XD Osgeee. Eto na update ko! Enjoooy! :)

“Kath ako na ang magsisindi! Baka mapaso ka pa eh. Tsk.” sabi sa akin ni Daniel.

Nandito kami sa kusina ngayon. Buti na lang at may kandila dito, kung wala, yare na kami. 3:00 pa lang ng hapon pero madilim na dahil sa lakas ng ulang nagaganap sa labas. Hindi naman ganong kadilim kung lalabas ka. Kaso medyo madilim kasi ang bahay namin dahil konti lang ang bintana.

“Oo na po” patampo kong sabi kay Daniel.

Eh kasi naman. Hanggang ngayon hindi pa ako nakakapagsindi ng kandila gamit ang posporo. Lagi na lang yung lighter na may mahabang leeg. XD

Sinindihan ni DJ ung dalawang kandila, at nilagay sa lampara.

Dumiretso kami sa sala. Binaba ni Daniel yung dalawang lampara sa lamesa at umupo sa sofa. Umupo na lang din ako sa sofa, pero medyo malayo na ako sa kanya.

Tahimik lang kami. Walang nagsasalita. Kaya nagkaroon ako ng oras para isipin yung mga nangyari ngayong araw. Una, yung nangyari sa kusina. Di ko alam kung anong nangyayari, pero noong maisip ko ang mga kaganapan sa kusina ay tumibok ng mabilis ung puso ko.

Kakasabi ko lang kay JC kanina na hindi ako magpapaligaw, pero sa ginagawa ni Daniel sa akin, parang wala nang silbi yung sinabi ko sa kanya. Hindi ko alam ang nangyayari sa sarili ko pero parang bumabalik ako sa dating ako. Bumabalik ako sa pagiging Kathryn na fangirl ni Daniel.

Hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin yung labi ni Daniel sa noo at ilong ko. Pati na ang mga kamay niyang humahamplos sa buhok ko nang mawalan ng kuryente. Naririnig ko pa rin yung you turn my whole world upside down niya. Kahit alam kong kinuha niya yun sa kanta, medyo kinikilig pa rin ako kasi sinabi niya yun sa akin. Stop Kath. Wag ka ngang ganyan.

Tinignan ko si Daniel, nakahiga na siya ngayon. Hindi ko napansin pero nasa mga hita ko na pala yung ulo niya. Nakapikit siya, may headset na nakasaksak sa tenga niya. Naririnig ko yung tugtog na pinapakinggan niya. Hindi masyadong malinaw pero naririnig ko yung mga beat ng drums.

The place is chilly but, just like a while ago, I can’t feel it. And I know it’s because of his presence. He radiates this warmth feeling that surrounds me, no, that hugs me, from my head to my toes. He got this kind of aura, where you can feel safe. Even though we are in silence, I can feel at ease. It doesn’t feel awkward like it should be. Even though I didn’t know him completely, right now, it feels like I know every story, every event that happened all throughout his life.

I was looking at him, examining every inch of his face. From his chin, to his eyebrows, until there is no more place to look at. God really did outdone Himself, He can make people perfect in their own little ways. The longer I look at Daniel, the faster my heart goes.

Binuksan niya mata niya, pero nakatingin pa rin ako sa kanya. Ngumiti ako at ngumiti din siya. Dahan-dahang umakyat ang kamay niya sa pisngi ko, parang may sariling utak yung kamay ko, at hinawakan ko ang kamay niyang nasa pisngi ko.

Pustahan TayoWhere stories live. Discover now