♥18♥

1.2K 38 25
                                    

                                                                                ♥18♥

KATH’S POV

Naka-idlip ako sa sofa nang hindi ko namamalayan. Nakita ko nalang na may comforter na naka-patong saakin. At sino pa nga ba ang maaring mag lagay nito saakin? Si Prince…

Bumangon ako at umakyat sa kwarto ko. Nung chineck ko yung orasan 11:30 p.m na pala, maya-maya lang aalis na kami. Kinuha ko lang yung sweater ko dahil medyo nilalamig ako pagkatapos ay bumaba na para pumunta sa kitchen.

Gumawa ako ng hot choco at isang kape, syempre dahil sa pagiging ‘concern’ saakin ni Prince dahil nilagyan niya ako ng kumot kanina eh gagawan ko naman siya ng coffee. Umupo ako sa isa sa mga stools at uminom na ng aking hot choco.

“Gising ka na pala.”

“Ayyy, kabayong bondat!” napapitlag ako,

“Bondat na ba ako ngayon at mukhang kabayo?” kunot-noo si Prince habang humihila ng stool sa ilalim ng table.

 

“Sorry naman! Ginulat mo ako eh, lagi ka nalang nanggugulat! Papatayin mo ba ako sa sakit sa puso?” naka-upo na siya ngayon sa tabi ko.

 

“Sorry, I didn’t mean to freak you out.” Tumango lang ako at iniabot ko sa kanya yung tasa ng kape.

 

“Thank you sa pagkumot saakin kanina.” Tinitigan niya yung kape.

 

“Hoy! Hindi tinititigan yan! Iniinom yan, huy!” winasiwas ko yung kamay ko sa may mukha niya.

 

“Thanks, nakita kasi kitang mahimbing na natutulog sa sofa kaya kinumutan kita, malamig kasi. Bubuhatin sana kita para iakyat sa kwarto kaso lang baka masira ang tulog mo at malamang eh sisigawan at aawayin mo ako so I just let you sleep there.” Grabe naman, akala agad niya bubulyawan ko siya. Kunsabagay, malamang gawin ko nga yun. Haha

“Salamat Prince. Pero buti nalang talaga at di mo na ako binuhat dahil malamang nga na masigawan kita! Haha,” natawa din siya at sabay din kaming nanahimik.

 

“Hmm…Ahm, Princess mukhang it’s time to go.” Inisang lagok ko ang natitira pang hot choco sa baso.

 

“Kukunin ko na gamit ko,” inubos nadin niya ang kape niya at sabay kaming umakyat at kinuha ang mga gagamitin namin.

Pumunta kami sa company nila Prince dahil nanduon sa helipad ng rooftop ang helicopter na gagamitin.

Nakita namin sila Papa, Lolo, Tita Barbara at Angel sa may lobby.

“Oh, mabuti at dumating na kayo Daniel at Princess. Tara na nang mabilis tayong makarating sa resort.” Nauna na sila Papa sa paglalakad going to the Elevator.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 01, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Chasing My Prince Charming!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon